SSS CEO Emilio De Quiros, Jr. (worldfolio.co.uk) |
Ni: FBTumalad, Jr.
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 8 (PIA) – Isa
sa mga naging adyenda ng ginawang pagbisita kamakailan sa lunsod ng Sorsogon ni
Social Security System President at Chief Executive Officer Emilio De Quiros,
Jr. ay ang pagtatasa ng itinayong tanggapang
pag-aari ng SSS sa Brgy. Guinlajon, Sorsogon City at masuri kung
accessible ba ito para sa mga kasapi at kliyente nito.
Base sa pag-aaral ni De Quiros, ang anim na
kilometrong layo o distansya ng itinayong gusali ng SSS mula sa bisinidad ng
lungsod ng Sorsogon ay maaring makaapekto
sa transakyong gagawin ng kanilang mga regular na miyembro lalo na rin
umano sa mga matatandang pensioner.
Lumalabas din sa assessment ni De Quiros na
talagang may kalayuan ang Guinlajon sa kabisera ng Sorsogon City kung
kaya’t nagdesisyon ito na huwag munang ituloy
ang planong paglilipat ng lugar bagkus ay pag-aralan pa kung paaanong mas
magiging accessible o di kaya’y maghanap ng
lugar na malapit sa sentro na madaling matukoy ng publiko.
Pinag-aralan na din umano nila ang ilang
hinaing ng mga pensioner tulad ng pagtataas ng pension o benepisyo nito.
Sa kaugnay na balita, ipinaliwanang naman ni
Alberto Bonafe Jr. Branch Head ng SSS-Sorsogon kung gaano kabagal ang pag-proseso
ng mga death claims na ipinapadala nila sa lungsod ng Naga kung saan inaabot
ito ng halos ay mahigit isang buwan.
Subalit ngayong binago na ng SSS Central
Office ang sistema na lahat ng mga claims ay direkta na nilang ipapadala sa Maynila
sa pamamagitan ng internet ay positibo silang mas mapapabilis na ang
pagpoproseso ng mga claims.
Sinabi din ni Bonafe sa mga miyembro na
hindi na rin sila nag-iisyu ng tseke sa mga pensyonado sapagkat awtomatiko na
itong ipinapasok sa kani-kanilang savings account. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment