DAET, Camarines Norte, March 23 (PIA) – Isusulong ng Team PNoy
senatorial candidates ang mga programa na magpapalakas sa turismo at
agrikultura ng lalawigan na siyang magiging daan para makalikha ng karagdagang
trabaho at maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan.
Sinabi ni dating Movie and Television Review Classification
Board (MTRCB) chair Grace Poe nitong Huwebes, Marso 21 na patitibayin ng
pamahalaan ang programa na magbibigay ng mas mababang halaga ng palay, pataasin
ang insurance sa pananim, gayundin ang pagkakaloob ng makabagong pasilidad para
sa pagaani at pagpapalago ng de kalidad na punla ng palay.
“Kung maganda ang suporta na ibibigay ng national government
dito sa Camarines Sur, tiyak na dadami ang trabaho at oportunidad para sa
mga mamamayan dito,” pahayag ni Poe, isa sa piniling kandidato ng Pangulong
Aquino sa Team PNoy.
Ayon kay Poe, natutunan niya sa kanyang namayapang ama na si
Fernando Poe, Jr .o FPJ, ang kahalagahan ng mga programang agrikultura para sa
mahihirap na magbubukid na siyang sentro ng kanyang kampanya na “Altanghap”
(Almusal, Tanghalian at Hapunan) program noong tumakbo itong Pangulo ng
bansa noong 2004.
Kapwa naman ipinahayag nina Benigno “Bam” Aquino at Risa
Hontiveros ang kahalagahan na mabantayan ang industriya ng turismo dahil na rin
sa tumataas na pangangailangan para maibida ang lalawigan na pamoso sa
magagandang tanawin tulad ng Bagasbas Beach resort sa Daet.
Tinanghal na isa sa pinakamalinis at pinakamagandang beach
resorts sa buong mundo dahil sa pinong buhangin at luntiang kapaligiran,
dinadayo rin ang Bagasbas Beach resort dahil sa mayuming beach na dinadayo para
sa surfing at kite-boarding sports sa Asia.
Ayon kay Aquino, mapapantayan ng Bagasbas Beach ang kaunlaran na
nakamit ng Boracay sa Aklan kung maisasaayos mabuti at mapapaganda ang lugar na
may lawak na dalawang kilometro.
Sinabi naman ni Hontiveros na higit na maeenganyo ang mga local
at international tourist na magtungo dito kung maisasaayos at mapapaganda ang
mga tagong water falls at mga ilog na nagsisilbing sanktuwaryo ng iba’t ibang
isda at lamang dagat.
“Tulong-tulong po tayo na isaayos ang Bagasbas Beach at iba pang
lugar na magiging pangakit sa mga dayuhang turista at maging sa mga local
tourist natin. Kung magiging maunlad ang ating turismo rito, sigurado po ang
karagdagang trabaho at magandang kabuhayan ng atring mga mamamayan,” pahayag ni
Hontiveros. ###
Reference:
Noel Albano (0999 989
1327)
Manny Angeles (0905
340 3284)
Jeeno C. Arellano
(0932 208 4767)
No comments:
Post a Comment