Friday, March 22, 2013

Kabalikat Civicom National President darating sa Sorsogon para sa isang Grand Eyeball



LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22 (PIA) – Para sa mas epektibong serbisyo publiko at mabilis na pagtugon sa pangangailangang emerhensiyang pangkomunidad sa probinsya ng Sorsogon, ito ang isa sa mga adyenda ng pagbisita ni Gil De La Torre, National President at Founder ng Kabalikat Civicom.

Ang Kabalikat Provincial Council ang nag-organisa ng nasabing pagtitipon sa pangunguna ni Provincial Chairman Jasper Ian Ubaldo.

Sinabi ni KB 515 President Roel Atutubo na nakatakdang dumating si De La Torre sa Sorsogon sa  ika-23 ng Marso ngayong taon para sa isang Grand Eyeball na aktibidad upang makipagtalastasan sa mga aktibong kasapi ng kabalikat Civicom Sorsogon Chapter sa probinsya ng Sorsogon sa Sorsogon State College, lungsod ng Sorsogon.

Ang Kabalikat Civicom ay isang Non-Government, Non-Profit Organization at walang pinapanigang partido politikal. Ang bawat miyembro nito ay gumagamit ng sariling VHF portable radio transceiver para sa kanilang mga aktibidad tulad ng pagbibigay ayuda sa panahong may nasaksihan silang aksidente sa kalsada, mga sakuna, krimen at kalamidad.

Ayon pa kay Atutubo kasama sa mga adyenda ni De La Torre ang kumpirmasyon ng ibang chapter, pagdinig sa mga opinyon at suliraning kinakaharap ng mga ito upang mabigyan ng solusyon.

Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo sa Sorsogon ang Kabalikat Civicom Sorsogon City Chapter, Bacon Chapter, Castilla Chapter, Bulan Chapter, Magallanes Chapter at Matnog Chapter habang ang grupo ng Pilar Chapter ay kasalukuyang inoorganisa pa lamang doon.

Magkakaroon din ng Seminar ang National Telecommunications Commission (NTC) Regional Office No. 5 bago isasagawa ang ang VHF registration o pagrerehistro ng mga portable at base radio ng mga kasapi ng organisasyon upang legal nilang magamit ang mga ito. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment