Ni: FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 14 (PIA) – Kung
magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan ngayong Marso inaasahang hindi magkakaroon ng
paghina ng suplay ng tubig kahit pa yaong mga nakatira sa matataas na lugar sa
lungsod ng Sorsogon.
Ito ang inihayag ng amunuan ng Sorsogon
City Water District (SCWD) sa ipinadalang impormasyon nito sa mga kunsumidor ng
tubig sa lungsod. Ayon dito, ang pinagkukunan ng inuming tubig ng Sorsogon City
ay nanggagaling sa malalim na bukal at deepwell na may pambomba.
Sa tala ng SCWD, ang spring sources kapag
maulan ay lumilikha ng 114 litro bawat Segundo (LPS) at kapag tag-init naman ay
36 LPS lamang, nababawasan ito ng 70 % sa panahon ng tag-ulan.
Ang kabuuang produksyon ng 12 deepwell at
pumping station ng SCWD ngayon ay humigit-kumulang sa 160 LPS kung lahat ng ito
ay gumagana.
Sa
kasalukuyan, ang mga kunsumidor na sinusuplayan ng tubig ng SCWD sa lungsod ay nasa 8,700 na kabahayan at nangangailanagan ito ng 122.25 LPS average bawat araw kasama
na ang 30 % tagas ng tubo.
Kapag peak hours o sabay-sabay ang paggamit
ng tubig ng mga kunsumidor simula alas-sais hanggang alas-otso ng umaga at alas-onse
ng umaga hanggang alas-otso ng gabi domodoble naman ang nagiging kunsumo ng
tubig.
Lumalabas na ang kunsumo ng tubig tuwing
peak hours ay nangangailangan ng 244.50 LPS, dito rin makikita na sa tuwing
tag-ulan ay sagana ang suplay ng tubig at minsan ay sumusobra pa ito.
Subalit sa panahon naman ng tag-init,
makikitang kulang na kulang ang suplay ng 48.50 LPS sa pangangailangan ng kasalukuyang
bilang ng mga kunsumidor.
Inamin ng SCWD na malaking epekto ang
sobrang pag-init dala ng Global Warming dahil maraming kabahayan ang gumagamit
ng tubig, dagdag pa ang sabay-sabay na pagbukas ng gripo at pagkakaroon ng
problema sa mga makinang ginagamit na umaasa din sa kuryente.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng SCWD
na ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang matugunan ang kinakailangang
suplay ng tubig sa lungsod. Nanawagan din ito sa publiko na patuloy na maging responsable
sapaggamit ng tubig at tiyaking naisasarado ng maayos ang mga gripo at linya ng
tubo sa loob ng mga kabahayan. (FB
Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment