Ni Sally A. Atento
LEGAZPI CITY, Apr 26 (PIA) --
Nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng bagong
Code of Practice (COP) para sa industriya ng Refrigeration and Air Conditioning
(RAC) matapos ang phase-out o pag-alis ng mga Chlorofluorocarbons (CFCs) at iba
pang ozone depleting substances (ODS) o mga uri ng kemikal na nakasisira sa
ozone layer.
Kasama sa nasabing COP ang pagdagdag
ng bagong sistema at teknolohiya na makatutulong upang mapangalagaan an gating
kapaligiran.
Ayon kay DENR Bicol regional
executive director Gilbert Gonzales mahalaga ang nasabing COP sa paggabay sa
mga apektadong sektor sa pagsunod sa mga binagong probisyon at sa paggamit ng
makabagong teknolohiya na makatutulong upang maiwasan ang pagkasira ng
kapaligiran.
Dagdag pa ni Gonzales, kabilang sa
COP ang conversion ng mga refrigerants at paggamit ng mga alternatibong maaring
ipalit sa CFCs at ibang ODS gayundin ang tamang paghawak, pagtago, pagresiklo,
pagkilekta at pagtapon ng mga refrigerants.
Kanya ring ipinaliwanag na ang
Technical Education and Skills Development (TESDA) ang mangangasiwa upang
maisama ang bagong COP sa kurikulum ng kursong Refrigeration and Airconditioning
Servicing. (SAA- PIA5/Albay)
No comments:
Post a Comment