Lungsod ng Sorsogon, April 01 (PIA) – Sa
kabila ng kaabalahan at pagsiuwian ng mga bakasyunista at mga turista dito sa
Sorsogon nitong nakalipas na obserbasyon ng Semana Santa, ay walang naitalang
malalaking krimen sa probinsya ayon sa pamunuan ng Sorsogon Police Provincial
Office (SPPO).
Lunes santo pa lamang ay naglagay na ng
tolda sa mga istratehikong lugar ang mga awtoridad dito sa probinsya ng
Sorsogon sa pangunguna ng SPPO at Sorsogon City Police upang panatilihin ang
pagmamantini ng maayos na daloy ng trapiko at palakasin ang Police visibility.
Maliban sa mga ahensya ng pamahalaan tulad
ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Land Transportation
Office, Department of Public Works and Highways at iba pa, tumulong din sa pagmamantini
ng maayos na daloy ng trapiko simula Huwebes at Biyernes Santo ang kabalikat
Civicom kung saan nagkaroon ng prusisyon.
Ayon sa PNP, ang pagtutulungang ito ng mga
ahensya ng pamahalaan at iba-ibang mga organisasyon dito ang nagsilbing dahilan
ng pagkakaroon ng maayos at mapayapang obserbasyon ng Semana Santa.
Maging ang pagdiriwang ng mga Grand Reunion
at Alumni Homecoming ng malalaking paaralan dito sa Sorsogon noong Sabado de
Glorya ay naging masaya at mapayapa din.
Aktibo din nakabantay ang mga tauhan ng Coast
Guard District Sorsogon sa mga beach resort habang ang iba pang mga awtoridad
ay nakabantay din hindi lamang sa mga paliguan kundi maging sa iba pang mga
pook pasyalan sa lalawigan.
Samantala, sa tala ng Phil. Coast Guard, umabot
sa 2,659 na mga pasahero galing Masbate at Samar ang dumaong sa tatlong pantalan
ng Sorsogon, 5,129 namang mga pasahero ang umalis dito noong Marso 30 habang
noong Marso 31 ay nakapagtala naman ang PCG District Sorsogon ng 4,484 mga
pasaherong dumaong at 4,862 na mga pasaherong lumisan sa mga pantalan ng
Matnog, Pilar at Bulan. (FBTumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment