PRO5 Band sa Camp Escudero |
Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Mayo 9 (PIA) – Hindi
natinag ng ulan ang ginawang aktibidad ng mga kapulisan ng Sorsogon Police
Provincial Office (SPPO) nitong Miyerkules, Mayo 8, 2013 sa isang libreng Peace
Concert na ginawa sa Camp Salvador C. Escudero, Sr., Sorsogon City.
Ayon kay Sorsogon Police Provincial
Director PSSupt Ramon S. Ranara, kasama ang ginawang konsyerto sa kanilang
inisyatiba na mapa-igting pa at masustinihan ang pagpapatupad ng pampublikong
seguridad partikular ngayong magkakaroon ng halalan.
Tinagurian nilang “Konsiyerto Kan Kapulisan
Para sa Matoninong na Eleksyon”, nais nilang imulat ang kamalayan ng publiko sa
kanilang pulitikal na karapatan at makakuha na rin ng suporta mula sa mga
kasapi ng civil society group, mga prupesyunal, non-partisan group, ahensya ng
pamahalaan at iba pang grupo upang matiyak na kaisa ang mga ito ng PNP sa
pagkamit ng maayos at patas na halalan ngayong 2013.
Kumanta din si Prov'l Dir. Ranara |
Isinalaysay naman ni PNP Provincial
Director Ranara ang mga hakbang na ginawa nila bilang paghahanda upang matiyak
ang seguridad ng halalan sa Lunes. Pinasalamatan din nito ang mga inimbita
nilang panauhin at maging ang publiko sa suportang ipinakita ng mga ito sa PNP.
Tampok sa nasabing konsyerto ang Police
Regional Office 5 (PRO5) Band at civilian performer na buong pusong nagpakita
ng kanilang talento sa musika at nagpakita ng pagmamahal sa kapayapaan.
(BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment