Friday, May 17, 2013

Provincial Canvassing at proklamasyon ng mga kandidato sa Sorsogon natapos na


Si Nanay Evie Escudero, bagong kinatawan ng 1st District
Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Mayo 17 (PIA) – Eksakto alas dos singkwenta kaninang madaling-araw nang tuluyang iproklama ng Provincial Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato sa provincial level ng lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaang makailang ulit ding naipagpaliban ang bilangan ng Provincial Board of Canvassers ang bilangan dahilan sa pagkaantala ng pagpapadala ng resulta ng botohan mula sa bayan ng Bulan at Lungsod ng Sorsogon.

Alas-dyes kinse kahapon nang maipadala sa Provincial Board of Canvassers ang resulta ng botohan sa Sorsogon City habang alas-dose kinse naman ng maipadala ang resulta sa Bulan.

Iprinoklama bilang nanalong bagong kongresista ng unang distrito ng Sorsogon ang maybahay ng yumaong dating kongresista Salvador Escudero III na si Evie Escudero laban sa dalawang katunggali nito sa botong 87,904. lamang ng 47161 sa pinakamalapit na katunggali nitong si Atty Anel Diaz.

Sa ikalawang distrito ng Sorsogon ay nanalo naman si incumbent Congressman Deogracias Ramos, Jr. na nakakuha ng 102,000 lamang ng 60,735 sa pinakamalapit na katunggali nito na si Guillermo De Castro.

Sa pagka-gobernador lamang ng 4,343 na boto si incumbent Raul R. Lee na nakakuha ng kabuuang botong 123,232 labang sa katunggali nitong si incumbent Board Member Mark Eric Dioneda na may kabuuang botong 118,889.

Muli namang nahalal bilang bise-gobernador si incumbent Antonio “Kruni” Escudero na may botong 133,754 laban sa nag-iisang katunggali nitong si incumbent Board Member Vladimir Frivaldo na may botong 86,903.

Sa pagka-Provincial Board Member sa unang distrito iprinoklamang nanalo sina Kruni Mar Antonio Escudero II sa botong 73,659, pumangalawa si incumbent Board member Rebecca Aquino na may botong 58,446, pangatlo si Franco Eric Ravanilla sa botong 38,676, pang-apat si Roland Anonuevo na may botong 38,576, at pang-lima si Ever Relativo na may botong 36,431.

Sa ikalawang distrito nanguna bilang board member si incumbent Board Member Renato Guban na may botong 53,236, pumangalawa si incumbent Bulusan Mayor Michael Guysayko sa botong 52,122, pangatlo si Arze Glipo na may botong 50,574, pang-apat si incumbent Board Member Bernard Hao na may botong 46,095, at pang-lima si incumbent Angel Escandor sa botong 44,368.

Samantala, alas tres na ng umaga kanina ng iproklama bilang nanalong bagong City Mayor ng Sorsogon na si Sally Lee na nakakuha ng kabuuang botong 33,895. Lumamang si Lee ng 1,203 na boto laban sa katunggali nitong si incumbent City Mayor Leovic Dioneda na nakakuha ng 32,692 na boto.

Bagong Bise-Alkalde naman si incumbent City Councilor Charo Dichoso na may botong 23,282. Ang mga katunggali nitong si Ed Atutubo ay nakakuha ng botong 21, 208 habang 17,371 naman ang nakuha ni Atty. Jonathan Balintong.

Sa labing-apat na mga bayan naman ng Sorsogon, natutukan lamang nating kunin ang mga nanalong Mayor. Uupong bagong Mayor ang mga sumusunod: Sa Barcelona – incumbent Mayor Manuel Fortes, Jr.; Bulan – Marnell Robles; Bulusan – Domingo Halum; Casiguran – incumbent Mayor Ma. Ester Hamor; Castilla – incumbent Mayor Olive Bermillo na walang naging katunggali; Donsol – Josephine Alcantara, anak at pumalit sa yumaong incumbent Mayor Jerome Alcantara na muli sanang kumakandidato bilang alkalde ng Donsol; Gubat – Roderick Co; Irosin – incumbent Mayor Eduardo Ong, Jr; Juban – Antonio Alindogan; Magallanes – Augusto Manuel; Matnog – Emilio Ubaldo; Pilar – incumbent Mayor Dennis Sy-Reyes; Pto. Diaz – incumbent Board Member Benito Doma; Sta. Magdalena – Alejandro Gamos. (BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment