Sunday, June 23, 2013

Mahahalagang Kaalaman ukol sa Pag-iwas sa Sakit sa Bato


     1. REGULAR NA MAG-EHERSISYO – Lalo yaong mga nasa opisina na kadalasang nakaupo na lamang    sa harap ng computer o sa harap ng mga paper works sa buong maghapon.

      2. IWASAN ANG PANINIGARILYO.


      3.   REGULAR NA KUMUNSULTA SA DOKTOR AT SUMAILALIM SA URINALYSIS O PAGPAPA-CHECK NG IHI – Dapat na kahit minsan sa isang taon ay sumailalim sa urinalysis lalo na ang mga kababaihan na madalas nakararanas ng Urinary Track Infection (UTI).

      4.   IWASAN ANG MGA MEDIKASYONG WALANG ABISO NG DOKTOR – Ang mga herbal na iniinom ay mainam lamang kung wala pang sakit ang pasyente, subalit kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng sakit ay dapat nang iwasan ito at kumunsulta sa mga awtoridad sa kalusugan.

       5.   UMINOM NG MARAMING TUBIG – walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw (250 ml bawat baso ng tubig)

       6.   REGULAR NA UMINOM NG GAMOT KUNG MAY DIABETES O HYPERTENSION – dapat ding subaybayan ng regular ang blood sugar at blood pressure.

       7.   IPASURI ANG KIDNEY – dapat na masuri ang kidney lalo kung may mga ‘early signs’ na upang maagapan ang mas malubhang karamdaman at malaking gastos.

               (Tips sourced out from NKTI-PIA Press Conference 2012 with Dr. Emmanuel Cabildo as speaker)
                 
             ----- JUNE IS NATIONAL KIDNEY MONTH------

 

No comments:

Post a Comment