1. REGULAR NA MAG-EHERSISYO – Lalo yaong mga nasa
opisina na kadalasang nakaupo na lamang sa harap ng computer o sa harap ng mga
paper works sa buong maghapon.
2. IWASAN ANG PANINIGARILYO.
3.
REGULAR NA KUMUNSULTA SA DOKTOR AT SUMAILALIM SA
URINALYSIS O PAGPAPA-CHECK NG IHI – Dapat na kahit minsan sa isang taon ay
sumailalim sa urinalysis lalo na ang mga kababaihan na madalas nakararanas ng
Urinary Track Infection (UTI).
4.
IWASAN ANG MGA MEDIKASYONG WALANG ABISO NG
DOKTOR – Ang mga herbal na iniinom ay mainam lamang kung wala pang sakit ang
pasyente, subalit kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng sakit ay dapat nang
iwasan ito at kumunsulta sa mga awtoridad sa kalusugan.
5.
UMINOM NG MARAMING TUBIG – walo hanggang sampung
baso ng tubig araw-araw (250 ml bawat baso ng tubig)
6.
REGULAR NA UMINOM NG GAMOT KUNG MAY DIABETES O
HYPERTENSION – dapat ding subaybayan ng regular ang blood sugar at blood
pressure.
7.
IPASURI ANG KIDNEY – dapat na masuri ang kidney
lalo kung may mga ‘early signs’ na upang maagapan ang mas malubhang karamdaman
at malaking gastos.
(Tips sourced out from NKTI-PIA Press Conference 2012 with Dr. Emmanuel Cabildo as speaker)
----- JUNE IS NATIONAL KIDNEY MONTH------
No comments:
Post a Comment