Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG
SORSOGON, Hunyo 24 (PIA) –Inanunsyo ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) Sorsogon Provincial Office ang mga nanalo sa isinagawang
Provincial Eagle Quiz noong nakaraang Huwebes, Hunyo 20, 2013 kaugnay ng
pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo.
Ayon kay
DENR Sorsogon Public Information Officer Forester Annabel Barquilla, sa
elementary level, nakuha ni Denzel
Gabriel D. Manuel at ng tagasanay nito na si Ginoong Romulo De Jesus ng
Casiguran Central School ang unang pwesto; pumangalawa si Maral U. Shams Govara
ng Sorsogon Pilot Elementary School kung saan si Ginang Rhea J. Olayres ang
naging tagasanay nito; habang pumangatlo naman si Joanne D. Embile ng Gubat
South Central School, si Ginang Rosalyn E. Hermoso ang naging tagasanay ni
Joanne.
Elementary Level |
Sa
secondary level, kampeon naman si Mikhail Paolo D. Rosil ng Bulan National High
School. Kasama ni Mikahil ang tagasanay nito na si Madam Maria Charlene D.
Dipad. Nakuha naman ni Joshua O. Aguilar at ng tagasanay nito na si Ginoong
Noli F. Alegria ng Jaime Espena High School ang ikalawang pwesto; habang
pumangatlo si Christian Dipon ng St. Louise de Marillac School of Bulan. Kasama
din niya ang kanyang naging tagasanay na si Ginoong Rex Matthew De Lumen.
Secondary Level |
Pawang
nakatanggap ng P3,000 cash, certificate at tropeo ang mga kampeon, habang
P2,000 cash at sertipiko naman para sa pangalawang pwesto at P1,000 cash at
sertipiko para sa pangatlong pwesto.
Ayon
kay Forester Barquilla, 20 mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang mga paaralan sa
elementarya ng Sorsogon ang lumahok habang 29 naman ang lumahok sa sekundarya.
Lahat
ng mga nakakuha ng unang pwesto ang siyang kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon at
makikipagtagisan para sa Regional Battle of the Eagles na nakatakdang idaos sa
Hunyo 27, 2013 sa lungsod ng Legazpi.
Sa
mismong araw din ng Hunyo 27 pararangalan ang mananalo sa Regional Battle of
the Eagles kasabay sa pagdaraos ng Culminating Activity ng Buwan ng Kalikasan
ngayong taon. (BARecebido,
PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment