Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG
SORSOGON, Hulyo 30 (PIA) – Sa kabila ng rekomendasyon
ng ilang mga bagong magrerehistrong botante at mga opisyal sa barangay na
habaan pa ang araw ng pagpapatala ng mga bagong boboto sa halalan sa Oktubre
ngayong taon, determinado ang Comelec na tapusin na ang voter’s registration sa
Hulyo 31, 2013.
Ayon kay Comelec
Sorsogon Provincial Election Supervisor Atty. May sinusunod din silang mga
patakaran ukol sa pagpaparehistro at nais din nilang alisin ang kaugalian ng
mga Pilipino na kung kailan nasa huling araw na saka lamang dadagsa upang
magpatala.
Maging sa mga
araw ng Sabado at Linggo ay bukas din ang kanilang opisina alas-otso ng umaga
hanggang alas-singko ng hapon upang tumanggap ng mga magrerehistrong botante.
Aniya may dalawang
araw pang natitira mula ngayong araw hanggang bukas upang makahabol pa ang mga
nais magparehistro. Nanawagan din si Atty. Aquino sa mga Sorsoganon na
samantalahin ang pagkakataong makapagparehistro bilang mga lehitimong botante.
Pila-pila naman
ang mga nagpaparehistro sa mga tanggapan ng Municipal at City Comelec dito
habang may mga ilan ding naitalang nahimatay dahil sa gutom at pagod na rin.
Hanggang kahapon
ay dagsa pa rin ang mga magrerehistrong botante at inaasahang mas madaragdagan
pa ito bukas.
Samantala, noong
nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election 2010, umabot sa 29,661
ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong SK at 28,126 ang bumoto habang
umabot naman sa 391,277 ang kabuuang bilang ng nagparehistrong botante sa
barangay at 308,213 ang bilang ng mga bomoto. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment