Friday, October 25, 2013

Check Point sa ibat-ibang panig ng lalawigan ng Sorsogon nakalatag na bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa barangay


LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 25 (PIA) - Matapos ang naging partisipasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan mula sa pagsusumite ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga kakandidato sa halalan sa barangay at pagtatapos ng Kasanggayahan Festival sa probinsya ng Sorsogon ay pinaghahandaan naman ngayon ng pamunuan ng Police Provincial Office ang pagtatalaga ng Police Check Point sa ibat-ibang mga bayan sa lalawigan ng Sorsogon bilang paghahanda sa nalalapit na halalan  sa Lunes, Oktobre 28, 2013.

Kahapon ay nagtalaga na ng 238 na mga kapulisan sa iba-ibang bahagi ng probinsya ng Sorsogon kung saan 150 dito ay mula sa Police Regional Office-V, 50 mula sa Sorsogon Police Public Safety Coy at Maneuver Coy, at 38 mula sa Police Provincial Headquarters.

Ang pagpapakalat ng Police check points at Police visibility ay isa sa mga istratehiko ng PNP na taunang ginagawa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lahat ng sulok ng Sorsogon.

Matatandaang opisyal nang ideneklara ng Comelec na Liqour Ban simula sa Oktobre 27 sa ganap na 12:01 ng hatinggabi hanggang Oktobre 28. Ibig sabihin ipinagbabawal sa panahog ang pagbebenta at pag-inom ng mga nakakalangong alak sa mga tindahan, (FBTumalad, PIA-5/Sorsogon)

No comments:

Post a Comment