Lungsod ng Sorsogon, Mayo 17 (PIA) – Eksakto
alas dos singkwenta kaninang madaling-araw nang tuluyang iproklama ng
Provincial Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato sa provincial level
ng lalawigan ng Sorsogon.
Matatandaang makailang ulit ding
naipagpaliban ang bilangan ng Provincial Board of Canvassers ang bilangan
dahilan sa pagkaantala ng pagpapadala ng resulta ng botohan mula sa bayan ng
Bulan at Lungsod ng Sorsogon.
Alas-dyes kinse kahapon nang maipadala sa
Provincial Board of Canvassers ang resulta ng botohan sa Sorsogon City habang
alas-dose kinse naman ng maipadala ang resulta sa Bulan.
Iprinoklama bilang nanalong bagong
kongresista ng unang distrito ng Sorsogon ang maybahay ng yumaong dating
kongresista Salvador Escudero III na si Evie Escudero laban sa dalawang
katunggali nito sa botong 87,904. lamang ng 47161 sa pinakamalapit na
katunggali nitong si Atty Anel Diaz.
Sa ikalawang distrito ng Sorsogon ay nanalo
naman si incumbent Congressman Deogracias Ramos, Jr. na nakakuha ng 102,000
lamang ng 60,735 sa pinakamalapit na katunggali nito na si Guillermo De Castro.
Sa pagka-gobernador lamang ng 4,343 na boto
si incumbent Raul R. Lee na nakakuha ng kabuuang botong 123,232 labang sa
katunggali nitong si incumbent Board Member Mark Eric Dioneda na may kabuuang
botong 118,889.
Muli namang nahalal bilang bise-gobernador
si incumbent Antonio “Kruni” Escudero na may botong 133,754 laban sa nag-iisang
katunggali nitong si incumbent Board Member Vladimir Frivaldo na may botong
86,903.
Sa pagka-Provincial Board Member sa unang
distrito iprinoklamang nanalo sina Kruni Mar Antonio Escudero II sa botong
73,659, pumangalawa si incumbent Board member Rebecca Aquino na may botong
58,446, pangatlo si Franco Eric Ravanilla sa botong 38,676, pang-apat si Roland
Anonuevo na may botong 38,576, at pang-lima si Ever Relativo na may botong
36,431.
Sa ikalawang distrito nanguna bilang board
member si incumbent Board Member Renato Guban na may botong 53,236, pumangalawa
si incumbent Bulusan Mayor Michael Guysayko sa botong 52,122, pangatlo si Arze
Glipo na may botong 50,574, pang-apat si incumbent Board Member Bernard Hao na
may botong 46,095, at pang-lima si incumbent Angel Escandor sa botong 44,368.
Samantala, alas tres na ng umaga kanina ng
iproklama bilang nanalong bagong City Mayor ng Sorsogon na si Sally Lee na
nakakuha ng kabuuang botong 33,895. Lumamang si Lee ng 1,203 na boto laban sa
katunggali nitong si incumbent City Mayor Leovic Dioneda na nakakuha ng 32,692
na boto.
Bagong Bise-Alkalde naman si incumbent City
Councilor Charo Dichoso na may botong 23,282. Ang mga katunggali nitong si Ed
Atutubo ay nakakuha ng botong 21, 208 habang 17,371 naman ang nakuha ni Atty.
Jonathan Balintong.
Sa labing-apat na mga bayan naman ng
Sorsogon, natutukan lamang nating kunin ang mga nanalong Mayor. Uupong bagong
Mayor ang mga sumusunod: Sa Barcelona – incumbent Mayor Manuel Fortes, Jr.;
Bulan – Marnell Robles; Bulusan – Domingo Halum; Casiguran – incumbent Mayor
Ma. Ester Hamor; Castilla – incumbent Mayor Olive Bermillo na walang naging
katunggali; Donsol – Josephine Alcantara, anak at pumalit sa yumaong incumbent
Mayor Jerome Alcantara na muli sanang kumakandidato bilang alkalde ng Donsol;
Gubat – Roderick Co; Irosin – incumbent Mayor Eduardo Ong, Jr; Juban – Antonio Alindogan;
Magallanes – Augusto Manuel; Matnog – Emilio Ubaldo; Pilar – incumbent Mayor
Dennis Sy-Reyes; Pto. Diaz – incumbent Board Member Benito Doma; Sta. Magdalena
– Alejandro Gamos. (BARecebido, PIA Sorsogon)