Ipinagdiwang kahapon ng Sorsogon Police Provincial Office ang 17th Philippine Ntional Police Ethics Day sa Sorsogon Police Provincial Office Ground, Camp Salvador C. Escudero, Sr na may temang: “PNP, leading the straight path towards excellent service”.
Sentro ng selbrasyon ang pagbibigay parangal sa mga natatanging mamamayan sa probinsya na nagbahagi ng kanilang serbisyo at oras para sa bayan. Ang mga sumusunod ay sina: SPO4 Eduardo O. Balaoro, Sr. at SPO4 Cosme P. Carrasco ng Police Non Commissioned Personnel, Police Chief Inspector Rogelio Beraquit ng Provincial Public Safety Company, Ella J. Pancho ng Non-Uniformed Personnel. Kasama din sa pinarangalan ang Provincial Council for Community Elders sa pamumuno ni G. Fernando Duran, Jr., dating alkalde ng bayan ng Sorsogon at G. Noel L. Pura para sa disaster trainings na kinundukta kasama ang mga pulis.
Si Councilor Rogelio Jebulan ng Sorsogon City ang naging pangunahing tagapagsalita. Nagkaroon din ng command conference pagkatapos ng parangal na pinangunahan ni Regional Director Police Senior Superentendent Cecilio Calleja.
Ang highlight ng selebrasyon ay ang symposium on values formation na nagging pangunahing lecturer ay si Rev. Fr. Joseph Erestain , Rector at Principal ng Our Lady of Penafrancia Seminary na nagbigay linaw sa iba’t-ibang kaugalian ng mga Pilipino at ang patuloy na tiwala ng mga mamamayan sa mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment