Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, October 4 (PIA) – Hinikayat ni Marnela Hernandez, division chief ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon ang publiko particular ang mga Sorsoganon na bisitahin ang ginagawang Kasanggayahan Trade Fair 2011 sa Balogo Sports Complex, Sorsogon City.
Ayon kay Hernandez, labing-dalawang Local Governmen Units (LGUs) sa lalawigan ang lumahok ditto kung saan nakadisplay sa kani-kanilang mga booth ang iba’t-ibang mga produktong ipinagmamalaki nila pati na rin ang mga magagandang lugar at tanawin na maari ding bisitahin ng mga turista, dayuhan man o lokal.
Maging ang mga armored vehicles at iba pang mga kagamitan at mga larawan ng mga programa at aktidad ng Philippine Army sa Sorsogon ay makikita sa napakalaking booth nito.
Sakaling makaramdam ng gutom ang mga bibisita sa Balogo Sports Complex ay may mga food and drinks stalls na maaaring pagpilian ayon na rin sa mga uri ng pagkain at inuming nais ng mga ito.
Kabilang pa sa mga makikita sa trade fair ay ang mga kakaibang handicrafts na gawa sa lokal na material ng Sorsogon tulad ng mga ladies at men’s bags, laptop at cellphone cases, mga pandekorasyon sa bahay at opisina, mga pagkaing gawa sa seaweeds tulad ng ice candy at noodles, mga kakaibang pagkaing gawa sa pili, mga pangregalo at marami pang iba.
Ang nasabing trade fair ay magtatagal hanggang sa huling araw ng Oktubre, 2011. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment