Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Nobyembre 28, 2011 – Muling naipakita ng mga awtoridad sa lungsod ng Sorsogon sa pangunguna ng Task Force Hot Meat ang kanilang sinseridad nsa ma ipatupad nang matuwid ang kanilang kampanya laban sa “hot meat”.
Ito ay matapos na magtagumpay ang pinagsanib na elemento ng Sorsogon City Police Station at Task Force Hot meat sa pangunguna ni Sorsogon City Veterinarian Dr. Alex Destura sa kanilang kampanya konta “hot meat” bandang alas tres ng hapon noong ika-2 ng Nobyembre sa Magsaysay St., Sorsogon City.
Ayon kay Dr. Destura, sa isinagawa nilang post abattoir meat inspection, nakakumpiska ang grupo ng 98 piraso ng sariwang karne ng manok at isang kahon ng gizzard na may lamang dalampung pakete mula sa isang nagngangalang Pablo M. Borero Jr.
Nasakote si Borero kasama ng isa pa, ng pinagsabib na pwersa ng mga awtoridad habang idini-deliver ito ang nasabing mga karne sa LCC Supermarket sa Magsaysay St., Sorsogon City.
Ayon pa kay Destura, nakita ng grupo na ang meat inspection certificate ng mga kargamentong dala-dala ng mga suspek ay walang pirma ng meat inspector, walang pirma ng meat inspector at ng veterinary inspector, walang petsa kung kalian dapat ideliver, walang petsa ng shipment, walang eksaktong lugar na padadalhan at walang deskripsyon ng kargamento ng sasakyan, walang eksaktong lugar dadalhin ang kargamento. Ang mga ito diumano ay malinaw na paglabag sa R.A 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines kaugnay ng National Meat Inspection Service (NMIS) Administrative Order No. 6 at 9296 na mas kilala bilang Meat Inspection Code of the Philippines.
Ang mga nakumpiskang kargamento ay isinakustudya ng Task Force Hot Meat para sa kaukulang disposisyon habang ang dalawang naaresto naman ay dinala sa Sorsogon City Police Station.
Sinabi ni Destura na hindi sila titigil sa kanilang kampanya lalo pa’t legalidad ang pinag-uusapan dito. Higit sa lahat, dapat aniyang mapangalagaan ang mga mamamayang bibili ng mga produktong karne lalo pa’t kalusugan din ng mga ito ang nakataya.
Nanawagan di ito sa publiko na makiisa sa kanila sa pamamagitan ng pagre-report sa kanila sakaling may mga nalalaman silang kahalintulad na mga insidente. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment