Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 11 (PIA) – Naging
matagumpay ang unang dalawang araw ng isinasagawang 3rd Bicol
Prosecutors Convention sa Sorsogon na nagsimula noong Miyerkules at magtatapos
ngayong araw.
Kabilang sa mga naging tampok na aktibidad ay
ang Corporate Planning and Management Conference alinsunod sa ipinadalang
Memorandum ni DoJ Secretary Leila De Lima na may petsang Marso 2, 2012.
Kahapon ay nag-ikot ang mga kalahok sa
tatlong bayan ng lalawigan upang personal na makita ang mga destinasyong
panturismo na ipinagmamalaki ng Sorsogon, kabilang na ang world heritage sa
bayan ng Barcelona, Bulusan Lake sa Bulusan at mga beach at resort sa bayan ng
Gubat, bilang bahagi na rin ng promosyon ng mga magagandang tanawin, sebisyo,
kaugalian at produktong natatangi sa Sorsogon.
Matatandaang naglagay din ang Department of
Trade and Industry (DTI) Sorsogon ng mga tindahan sa may lobby ng Bulwagan ng
Katarungan upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga local traders at business
establishments sa Sorsogon upang kumita rin ang mga ito.
Sa panghuling araw ngayon, magkakaroon ng
maikling programa sa City Hall ng lungsod ng Sorsogon sa Brgy. Cabid-an sa pangunguna
ni City Mayor Leovic Dioneda at mga lokal na opisyal dito. Isusumite din ni Deputy
Regional Prosecutor Jose Demosthenes sa mga kasapi ng Bicol Prosecutors League ang
Proposed Constitution and By-Laws ng Bicol Prosecutors League at isasagawa na
rin ang pagraratipika nito.
Matapos ito ay nakatakdang bumisita ang
grupo sa bahay ni Senator Francis Escudero sa Brgy. Buhatan, Sorsogon City, kung
saan inaasahan ding magbibigay ng mensahe ang senador.
115 kalahok sa kabuuan ang nagrehistro sa
convention na kinabibilangan ng mga opisyal ng National Prosecutors League of
the Philippines at mga taga-usig mula sa iba’t-ibang mga lugar sa buong rehiyon
ng Bicol. (BArecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment