Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, June 1 - Sa kasalukuyang lagay ng panahon sa lalawigan ng
Sorsogon, maitim na ulap ang bumabalot sa papawirin
at nakararanas din ng manaka-nakang mga pag-uulan sa buong probinsya.
Nananatili namang nakaantabay ang local
disaster coordinating board dito sa anumang mga kaganapang maaaring idulot dala
ng bagyong “Ambo” sa lalawigan ng Sorsogon.
Inabisuhan na rin Provincial Disaster
Coordinating Council (PDCC) sa pamamagitan ng Sorsogon Provincial Disaster
Management Office ang lahat ng mga Municipal at Barangay DCC na maging alerto
at mag-ingat lalo na yaong mga nakatira sa mababang lugar at malalapit sa mga
sapa, ilog at dagat.
Ayon naman kay Philippine Coast Guard
Sorsogon Deputy Station Commander Chief Petty Officer Magin Advincula, matapos
na kanselahin kahapon ng Philippine Coast Guard Sorsogon Station ang paglalayag
ng maliliit na sasakyang pandagat at maging ng mga sasakyang pandagat na may
bigat na 1,000 tonelada bunsod ng pagpasok ng bagyong “Ambo”, ay pinahintulutan
na rin itong muling makapaglayag kaninang alas-sais ng umaga, subalit mahigpit
pa rin ang panawagan ng Coast Guard sa mga ito na mag-ingat sa kanilang
paglalayag.
Habang hindi naman umano kinasela ang mga
byahe ng sasakyang pandagat sa pantalan ng Bulan at Pilar.(FBTumalad, Jr./BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment