Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 25 (PIA) –
Muling pinatunayan ng dalawang pinakamalaking paaran sa elementary at
sekundarya sa lungsod ng Sorsogon ang kanilang galing at kakayahan sa larangan
ng patimpalak matapos na makuha nito ang kampeonato sa nakaraang Provincial
Eagle Quiz na ginanap sa Intervida Hall, Sorsogon City, noong Huwebes, June 21,
2012.
Sa kategorya sa elementarya, nakuha ni Bill
Gian V. Dealca ng Sorsogon Pilot Elementary School (SPES) ang kampeonato kung
saan naging coach nito si Bb. Rhea Olayres. Pumangalawa si Beatrice Christina
D. Jesalva ng The Lewis College (TLC) kung saan coach si Ginoong Robert Tarraya
habang pumangtlo si Arriane Angeli D. Antes ng Bacon East Central School (BECS)
at ang naging coach nito ay si Bb. Thelma Ariate.
Sa kategorya sa Sekundarya, naging kampeon
si Joan H. Reluao ng Sorsogon National High School (SNHS) at naging coach nito
si Lee Luzviminda T. Bolanos. Pumangalawa si John Peter Michael Separa ng
Barcelona National Comprehensive High School kung saan naging coach nito si
Rowena C. De Leon habang pumangatlo si Gerald G. Dino ng San Juan National High
School sa Bacon District at tumayong coach nito si Ophelia O. Freo.
Ayon kay Forester Annabelle Barquilla ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sorsogon, 23 ang naging
kalahok sa kategorya sa elementarya habang 24 naman sa sekundarya na nagmula pa
sa iba’t-ibang mga paaralan sa lalawigan.
Ang Provincial Eagle Quiz na pinangunahan DENR
Sorsogon ay taunang ginagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month
tuwing buwan ng Hunyo.
Ang mga nanalong kampeon ang siyang
kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon at makikipagpaligsahan sa gagawing Regional
Battle of the Eagles sa darating na ika-29 ng Hunyo, 2012 sa Lungsod ng Legazpi.
Ang nasabing dalawang patimpalak ay nasa
ika-22 taon na ngayon at orihinal na konsepto ng DENR Regional Office V.
(BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment