Monday, June 25, 2012

SPES, SNHS kampeon sa ginawang Provincial Eagle Quiz


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 25 (PIA) – Muling pinatunayan ng dalawang pinakamalaking paaran sa elementary at sekundarya sa lungsod ng Sorsogon ang kanilang galing at kakayahan sa larangan ng patimpalak matapos na makuha nito ang kampeonato sa nakaraang Provincial Eagle Quiz na ginanap sa Intervida Hall, Sorsogon City, noong Huwebes, June 21, 2012.

Sa kategorya sa elementarya, nakuha ni Bill Gian V. Dealca ng Sorsogon Pilot Elementary School (SPES) ang kampeonato kung saan naging coach nito si Bb. Rhea Olayres. Pumangalawa si Beatrice Christina D. Jesalva ng The Lewis College (TLC) kung saan coach si Ginoong Robert Tarraya habang pumangtlo si Arriane Angeli D. Antes ng Bacon East Central School (BECS) at ang naging coach nito ay si Bb. Thelma Ariate.

Sa kategorya sa Sekundarya, naging kampeon si Joan H. Reluao ng Sorsogon National High School (SNHS) at naging coach nito si Lee Luzviminda T. Bolanos. Pumangalawa si John Peter Michael Separa ng Barcelona National Comprehensive High School kung saan naging coach nito si Rowena C. De Leon habang pumangatlo si Gerald G. Dino ng San Juan National High School sa Bacon District at tumayong coach nito si Ophelia O. Freo.

Ayon kay Forester Annabelle Barquilla ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sorsogon, 23 ang naging kalahok sa kategorya sa elementarya habang 24 naman sa sekundarya na nagmula pa sa iba’t-ibang mga paaralan sa lalawigan.

Ang Provincial Eagle Quiz na pinangunahan DENR Sorsogon ay taunang ginagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month tuwing buwan ng Hunyo.

Ang mga nanalong kampeon ang siyang kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon at makikipagpaligsahan sa gagawing Regional Battle of the Eagles sa darating na ika-29 ng Hunyo, 2012 sa Lungsod ng Legazpi.

Ang nasabing dalawang patimpalak ay nasa ika-22 taon na ngayon at orihinal na konsepto ng DENR Regional Office V. (BARecebido, PIA Sorsogon)



No comments: