Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 19 (PIA) – Pinagtuunang-pansin
sa nakaraang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management
Council (PDRRMC) at ng Sorsogon Provincial Disaster Risk and Management Council
(SPDRMO) ang mga rekomendasyon ng kasapi ng mga lokal na mamamahayag sa
Sorsogon nang sa gayon ay higit pang mapalawak at gawing epektibo ang
pagpapaabot ng mga kaalaman at paraan ng paghahanda ng mga residente at
kinauukulan sa panahong may paparating, nagaganap at matapos maganap ang
kalamidad.
|
Photo by: Von Labalan, SPDRMO |
Ayon kay SPDRMO Chief Raden Dimaano, ang
mga sumusunod na suhestyon at rekomendasyon ay una nang inindorso ng SPDRMO kay
Sorsogon Governor Raul Lee na pinaboran naman nito bilang chairman ng PDRRMC: 1-Consistent
Disaster Risk Reduction (DRR) capacity-building para sa mga media kasama na ang
mga batas na may kaugnayan sa kalikasan at DRR-Climate Change Adaptation (CCA),
at media exposure sa mga Local government Unit (LGU) na may proyektong DRR-CCA;
2- Isama ang media sa pagpaplano at gawing kasapi ng PDRRMC at magkaroon ng
directory ng mga media sa Sorsogon; 3- Makipagkawing sa pamamagitan ng Short
Messaging System (SMS), facebook at iba pang uri ng komunikasyon at magkaroon
ng DRR-CCA hotline; 4- Mas madalas na ugnayan sa pagitan ng media at pamahalaan
at magkaroon ng sistema ng pag-uulat na bukas sa mga pagpupulong at kaganapan
mula sa website ng SPDRMO kasama na ang mga mapa, at scheduled interview sa mga
broadcast outlet; 5- lingguhang programang “Kapihan para sa Kalikasan” at buwanang
“one-tune station”; 6- Magtalaga ng opisyal na broadcast station sa tuwing may
kalamidad na bibigyan ng gasolina o pahihiramin ng generator sakaling magkaroon
ng pagpatay ng kuryente; 7- Bigyan ang mga istasyon o organisasyon ng media ng
mga reference materials gamit ang sariling dialekto at magkakatulad na mga
infomercials at adbokasiyang maaaring maisahimpapawid, at gamitin ang mandated
free airtime sa mga local TV cable networks para sa paghahatid ng mga impormasyon;
8- Magsagawa ng DRR-CCA at monitoring/evaluation sa mga paaralan; at 9- Magbigay
ng mabibigat na penalidad alinsunod sa penal
provision ng RA 10121 para sa hindi sumusunod na mga LGUs; subukan ang
tinatawag na “shame campaign” at pangalanan ang mga barangay na hindi sumusunod
sa alituntunin ng batas, subalit bigyan naman ng papuri at pagkilala yaong mga
sumusunod na LGU.
Ang naturang mga suhestyon at rekomendasyon
ng lokal na media ay resulta ng naganap na Disaster
Risk Reduction-Climate Change Adaptation (DRR-CAA) Orientation para sa mga
lokal na mamamahayag ng Sorsogon noong Hunyo 8 at 9, 2012.
Buo naman
ang tiwala ng SPDRMO na sa pamamagitan ng pagbigay-atensyon at aksyon sa mga
rekomendasyong ito ay higit na magkakaroon ng bukas na Ugnayan ang SPDRMO, mga
kasapi ng PDRRMC at mga lokal na mamamahayag ng Sorsoogn. (BARecebido, PIA
Sorsogon/VLabalan, SPDRMO)
No comments:
Post a Comment