Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 12 (PIA) – Kaugnay
ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week
sa Hulyo 17-23, 2012, nakatakdang mamahagi ang Pamahalaang Panlungsod ng
Sorsogon ng tulong pinansyal sa mga batang may kapansanang mag-aaral ng
Sorsogon East Central School Special Education (SECS SPED) Center.
Pangungunahan ni Sorsogon City Mayor Leovic
Dioneda at ni City Social Welfare and Development Office Mae Esta ang
pamamahagi ng tsekeng nagkakahalaga ng P1,000 para sa bawat mag-aaral ng SPED.
Aabot sa 100 na mga mag-aaral ang mabibiyayaan ng nasabing tulong pinansyal
kabilang na ang mga Visually Impaired, Mentally Challenged at Hearing Impaired
pupils bilang tulong sa pag-aaral ng mga ito.
Aminado ang mga guro ng SPED Center na
sadyang malapit ang kalooban ng akalde sa mga batang may espesyal na pangangailangan
at malimit din umano itong nagbibigay-tulong sa mga ito sa lahat ng panahon lalo
na kapag may mga aktibidad.
Ayon naman sa mga magulang ng mga mag-aaral
ng SPED Center, malaking tulong sa kanila ang taunang pagbibigay ng financial
assisatance ng lokal na pamahalaan ng lungsod kung kaya’t naghayag sila ng
pasasalamat sa alkalde at sa pamunuan ng City Social Welfare and Development
Office dahilan sa ipinapakitang pagmamalasakit nito sa mga batang may espesyal
na panganailangan.
Tema ng pagdiriwang ng NDPR Week ngayong
taon ang “Mainstreaming Persons With
Disabilities in Economic Development”. (BARecebido/FBTumalad Jr., PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment