Thursday, August 23, 2012

Mahigit P2-M halaga ng mga piniratang CD, DVD at VCD nakumpiska


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 23 (PIA) – Matapos ang isinagawang inspeksyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Section ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO), Sorsogon Provincial Public Safety Company at ng Matnog at Bulan Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa Optical Media Board noong Martes, Agosto 21, 2012, siyam na mga establisimyento at maliliit na tindahan sa bayan ng Bulan at Matnog ang nadakip na positibong nagbebenta ng mga piniratang CD, DVD at VCD.

Sa impormasyong ipinaabot sa PIA Sorsogon ni PCInsp Rosalito Gapan, Police Community Relations Public Information Officer ng SPPO, 5,455 na pirasong mga piniratang CD, DVD at VCD ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P2,727,500.

Pito sa mga establisimyento at maliiit na tindahang ito ay nakabase sa Bulan, Sorsogon habang dalawa naman sa bayan ng Matnog.

Ang mga may-ari ng tindahang ito ay sasampahan ng rekalamong paglabag sa Republic Act 9239 o mas kilala sa tawag na Optical Media Act of 2003.

Muli namang nakiusap ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga piniratang produkto sapagkat malaki ang epektong dinadala nito sa ekonomiya ng bansa. Anila, magsilbi din nawang leksyon ang naganap na ito sa iba pang nagbebenta o nais magbenta ng mga piniratang produkto. (BARecebido, PIA Sorsogon)


No comments:

Post a Comment