Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, Agosto 23 (PIA) – Matapos ang isinagawang inspeksyon ng pinagsanib
na pwersa ng Provincial Intelligence Section ng Sorsogon Police Provincial Office
(SPPO), Sorsogon Provincial Public Safety Company at ng Matnog at Bulan
Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa Optical Media Board noong
Martes, Agosto 21, 2012, siyam na mga establisimyento at maliliit na tindahan
sa bayan ng Bulan at Matnog ang nadakip na positibong nagbebenta ng mga
piniratang CD, DVD at VCD.
Sa
impormasyong ipinaabot sa PIA Sorsogon ni PCInsp Rosalito Gapan, Police
Community Relations Public Information Officer ng SPPO, 5,455 na pirasong mga
piniratang CD, DVD at VCD ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng
P2,727,500.
Pito
sa mga establisimyento at maliiit na tindahang ito ay nakabase sa Bulan,
Sorsogon habang dalawa naman sa bayan ng Matnog.
Ang
mga may-ari ng tindahang ito ay sasampahan ng rekalamong paglabag sa Republic
Act 9239 o mas kilala sa tawag na Optical Media Act of 2003.
Muli
namang nakiusap ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga
piniratang produkto sapagkat malaki ang epektong dinadala nito sa ekonomiya ng
bansa. Anila, magsilbi din nawang leksyon ang naganap na ito sa iba pang
nagbebenta o nais magbenta ng mga piniratang produkto. (BARecebido, PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment