Tuesday, August 21, 2012

PMES ng Sorsogon pinakamagaling sa buong rehiyon ng Bicol


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 21 (PIA) – Pursigido ang Provincial Planning and Development Office (PPDO) na masustinihan at mamantini ang natamong karangalan bilang pinakamagaling na Provincial Project Monitoring Committee sa buong rehiyon ng Bicol.

Ayon kay Provincial Planning and Development Office (PPDO) Head Dominador O. Jardin, higit pa nilang hihikayatin at palalakasin ang mga Local PMC sa lalawigan sa larangan ng pagsubaybay sa mga pangkaunlarang proyektong ipinatutupad sa lalawigan.

Dagdag pa ng opisyal na hindi rin umano ito makukuha ng lalawigan kung hindi dahil sa buong suportang ibinibigay ni Governor Raul Lee at ng asawa nitong si Sally A. Lee sa mga proyektong makapagbibigay ng kaunlaran sa mga Sorsoganon.

Matatandaang kinilala noong Hulyo ngayong taon ng Regional Development Council (RDC) sa ilalim ng Department of Economic and Development Authority (NEDA) Region V ang lalawigan ng Sorsogon bilang 2011 Most Outstanding Local Project Monitoring Committee (LPMC) kung saan binigyan ito ng plake ng pagkilala.

Pumangalawa dito ang Naga City habang pumangatlo naman ang Legazpi City sa taunang pagpipili na ito  search steered by the Regional Project Monitoring and Evaluation System (RPMES).

Ang lalawigan ng Sorsogon ay pumangatlo din noong 2009 at 2010 sa kaparehong pagkilala maliban pa sa pagkilalang nakuha nito dahilan sa ginagawang regular na pagsubaybay bilang suporta sa RPMES.

Ayon pa kay Jardin malaking ambag sa pagkamit nila ng nasabing parangal Annual Accomplishment Report na ginawa ng PPMC para sa taong 2011 na kinabibilangan ng PPMC Organizational Chart, 2011 Work Programme, 2012 Proposed Work Program at iba pang mga Highlight of Accomplishment.

Binuo ang Project Monitoring Committee ng Sorsogon sa ilalim ng Provincial Development Council (PDC),noong si Madam Sally Lee pa ang gobernador ng lalawigan alinsunod sa Executive Order No. 93 (Establishing the RPMES) at sa Memorandum Circular No. 2004-78 ng Department of Interior and Local Government’s (DILG)kung saan kabilang sa mga mandatory member nito ang DILG Provincial Director, Provincial Budget Officer, Provincial Treasurer, Provincial Accountant, Provincial Engineer at dalawang kinatawan ng Non-Governemnt Organization o Peoples Organization (NGO/PO)ayon sa isinasaad ng section 4.1 ng Regional PMES Operational Manual.

Sa kasalukuyan ay pinamumunuan ng Provincial Engineer bilang chairman ang Secretariat habang Vice-Chairperson naman ang Provincial Agricultural and Fishery Council.

Kasama sa mga sinusubaybayan nito ay ang lahat ng mga foreign at nationally-funded projects, proyektong pinondohan ng Inter Revenue Allotment (IRA), proyektong suportado ng LGU at locally-generated resources na ipinatutupad sa lebel ng probinstal, municipal o barangay. (BARecebido, PIA Sorsogon)



No comments: