Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 23 (PIA) –
Puspusan ang ginagawang information dissemination ng Department of Agrarian
Reform upang maipaabot nito ang mga kaukulang impormasyon sa mga magsasaka
partikular sa mga benepisyaryo ng Agrarian Reform at mga enrollees nito.
Sa pamamagitan ng Radyo Agraryo, isang
programa sa radyo, naipaaabot ng DAR ang mga impormasyon, kaganapan at iba pang
mga mahahalagang kaalamang dapat maintindihan ng publiko particular ng mga
benepisyaryo ng Agrarian Reform.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer
Roseller Olayres, ang “long-distance education” program na ito sa radyo ay
naglalayon ding mabenipisyuhan ang kanilang mga Agrarian Reform Beneficiaries
(ARBs) ng natatanging mga kaalamang magagamit nila sa hinaharap.
Maliban umano sa regular at napapanahong
mga impormasyong pang-agraryo, nagbibigay din ito ng pagsusulit o quiz para sa
mga tagapakinig na ARB-enrollees kung saan binibigyan ng insentibo mula sa DAR
ang sinumang makakakuha ng perfect score.
Ang Radyo Agraryo ay maririnig sa buong
lalawigan tuwing Linggo sa 102.3 DZGN-FM, alas-syete hanggang alas-otso ng gabi
at tumatayong anchor dito si CARPO Lucy Vitug.
Ayon kay Vitug, pinili talaga nila ang
nasabing oras upang hindi ito makasagabal sa panonood ng mga teleserye sa
telebisyon na kadalasang napanood mula Lunes hanggang Biyernes. (BARecebido,
PIA Sorsogon/AJA, DAR)
No comments:
Post a Comment