Wednesday, August 29, 2012

Salt Fertilization ng PCA nagpapatuloy


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 29 (PIA) – Patuloy pa rin ang pamamahagi ngayon ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng mga asin para sa kanilang salt fertilization program.

Ang salt fertilization ay isang paraan ng pagpapalago pa ng produksyon ng niyog kung saan lalagyan ng dalawang kilong asin ang paligid ng puno ng niyog sa distansyang 1.5 metro mula sa pinakapuno nito.

Ayon kay PCA Sorsogon OIC provincial head Lourdes D. Martizano, sinimulan nila ngayong Agosto ang pamamahagi ng mga asin sa iba’t-ibang mga barangay sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Municipal Agriculturist.

Para sa taong 2012, target umano nilang maipamahagi ang kabuuang 6,840 na sako ng asin hanggang sa ika-15 ng Setyembre ngayong taon.

Aniya, mas nagiging malalaki ang bunga, mas makapal ang laman at mas nagiging matingkad ang kulay berdeng mga dahon ng niyog kapag isinailalim sa ganitong uri ng fertilization.

Matatandaang bago ang pamamahagi ay nagsagawa muna ng inspeksyon ang mga tauhan ng PCA Sorsogon sa mga taniman ng niyog sa lalawigan bilang paghahanda at matiyak na masusunod ng tama ang mga hakbang na kinakailangan. (BARecebido, PIA Sorsogon)


No comments:

Post a Comment