LUNGSOD NG SORSOGON, September 24 (PIA) – Ipinalabas na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)
ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Executive Order 79 o
Reporma sa Pagmimina sa Pilipinas.
Sa press
release na ipinalabas ng DENR Bicol, nakasaad ang pahayag ni DENR Secretary Ramon
Paje na layunin ng IRR na makamit ang anim na puntong agenda ng Climate Change
Adaptation and Mitigation gayundin ng Economic Development Cluster ng gabinete
upang masiguro ang kontribusyon ng industriya ng pagmimina sa sustenableng
pag-unlad ng Pilipinas, pag-obserba ng maayos na pamamahala ng gobyerno para
masiguro na maproteksyonan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagamit ng mga
metodong teknikal at seyentipikal.
Dagdag pa
rito, ang nasabing IRR ang nagbubuklod sa mga local at national law para sa
pagkakaroon ng patas at mahusay na paghahati-an ng kita galing sa pagmimina.
Nakapaloob din
sa IRR ang pagbabawal ng pagmimina sa ilang lugar gaya ng mga nasa tourism
development areas na nakadesenyo hindi lamang sa national tourism development
plan kundi gayon din sa mga local tourism development plan. Una ng idineklara
ang pagbabawal sa pagmimina sa mga protected areas, prime agricultural lands,
mga lupang sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Law, taniman para sa mga high
value crops, strategic agriculture and fishiries development zones, fish refuge
and sanctuaries at ibapang mga kritikal na lugar na idineklara ng DENR gaya ng
island ecosystem.
Binigyang-linaw
din umano ng kalihim na magpapatuloy ang mga kontrata sa pagmimina, kasunduan
at concesions na una nang naaprubahan bago pa ipatupad ang EO subalit dapat na
istriktong matyugunan ang mga ipinatutupad na batas at mga panuntunan. Ang
alinmang aplikasyon sa pagmimina na sakop ng mga isinarang minahang lugar ay
ibabasura alinsunod sa ipinatutupad na IRR.
Maari ding
magpatuloy ang mga small scale mining sa mga lugar na deklaradong minahang
bayan ng DENR. (RMendones, DENR-V/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment