LUNGSOD NG SORSOGON, September 13 (PIA) –
Ang pagkakabuo ng climate change fund ang nagtaas sa antas ng pampamunuan para
sa mahihirap sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino lalo na sa mga kabukiran
kung saan ang mga mamamayan ay lubos na umaasa sa likas yaman na lubhang
sensitibo sa klima.
Ito ang binigyang diin kamakailan ni
Kalihim Ramon J.P. Paje ng DENR sa pagkakapasa ng Republic Act 10174 na
tinaguriang People’s Survival Fund o Pondong nilalaan para sa makabangon ang
mga mamamayan na siyang nagtatag ng Climate Change Fund na may pangunang
halagang isang bilyong piso bawat taon.
Ayon sa Kalihim ito ang pagkakataong sa
laban kontra pagbabago ng klima, ang pambansang pamunuan ay nagtaas ng antas ng
kanyang pagtugon sa pangangailangan sa climate change. Anya, si Pangulong
Aquino ay mistulang naghagis ng lubid na sasagip sa mga pamayanan na siyang
magpo-protekta sa kanilang kabuhayan lalo ang mga pook na pangunahing
hinahanguan nila ng kabuhayan.
Tinawag nya itong Smart Fund na tuwirang
makukuha ng mga lokal na pamahalaan at mga pamayanan upang silang masuportahan
sa kanilang pagpupursiging maka angkop sa climate change at mabawasan ang
panganib na dulot ng mga sakuna. Ang pondong ito ang syang nagbubuklod ng mga
pondo o gugulin mula sa pribadong sektor at tuwirang dinederekta ito kung saan
higit itong kailangan.
Ang pondo ay pangangasiwaan ng isang Board
na pamumunuan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi at hihirangin ding
pangalawang pinuno ang Vice Chair ng Climate Change Commission. Ang ibang
miyembro ng board ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Interior and
Local Government; Budget and Management; National Economic and Development
Authority; Philppine Commission on Women, at iba pang institusyong pananalapi,
ang sektor ng pangangalakal at mga non-government organizations.
Samantala bukod sa pagiging kasapi sa
advisory board para sa Climate Change Commission, binigyang diin ni Kalihim
Paje na sa ilalim ng RA 10174, ang DENR ay binigyan ng tungkuling pamunuan ang
pagtatatag at pagpanatili ng climate change information system at network
kabilang na ang climate change risks, mga gawain, at pamumuhunan sa
pakikipagtulungan sa iba pang kaugnay na pambansang ahensya, mga institusyon at
mga lokal na pamahalaan.
Isinabatas at nilagdaan ang RA 10174 ni
Pangulong Aquino noong Agosto 16, 2012 upang magbiagay ng pangmatagalang tulong
pananalapi upang ang mga lokal na pamahalaan ay makatugon sa climate change.
Ito ay nag amenda ng RA 9729, o ang tinaguriang “Climate Change Act of 2009”. (RMendones,
DENR-5/PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment