Wednesday, September 12, 2012

Paglagay ng mga boundary sa mga kabundukan ng Bicol natapos na ng DENR


LUNGSOD NG SORSOGON, September 12 (PIA) – Natapos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol angpaglalagay ng mga boundary na dapat mailagay sa 513,872.97 ektarya ng kabundukan sa buong rehiyon.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Gilbert Gonzales, sa inindorsong mungkahing batas ng Land Evaluation Party (LEP) ng Forest Management Service ng DENR, 472, 367.17 ektarya ng mga boundary ay nailagay sa kabundukan habang 38, 505.80 ektarya nito ay inilagay sa mabakawang bahagi.

Samantala, sa lalawigan ng Albay 30,244.67 ektarya ang naitalang nalagyan na ng boundary, 84, 561.99 ektarya sa Camarines Norte, 156,793.84 ektarya sa Camarines Sur; 69,579.63 ektarya sa Catanduanes; 140,359.98 ektarya sa Masbate; habang 32, 332.86 ektarya naman sa Sorsogon.

Ayon pa kay Gonzales, ang pagkakakumpleto ng Forest Land Boundaries sa buong rehiyon ng Bicol ay alinsunod sa Legislative Agenda ni Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim ng 13 priority bill na ini-indorso sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ang resulta ng survey ay nasa proseso pa ng validation ng National Assessment and Delienation Committee (NADC) sa mga probinsya bago pinal na aprubahan at iindorso sa Mababang Kapulungan. (BARecebido, PIA Sorsogon/RMendones, DENR-5)


No comments:

Post a Comment