LUNGSOD NG SORSOGON, September 12 (PIA) –
Natapos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol
angpaglalagay ng mga boundary na dapat mailagay sa 513,872.97 ektarya ng kabundukan
sa buong rehiyon.
Ayon kay DENR Regional Executive Director
Gilbert Gonzales, sa inindorsong mungkahing batas ng Land Evaluation Party
(LEP) ng Forest Management Service ng DENR, 472, 367.17 ektarya ng mga boundary
ay nailagay sa kabundukan habang 38, 505.80 ektarya nito ay inilagay sa
mabakawang bahagi.
Samantala, sa lalawigan ng Albay 30,244.67
ektarya ang naitalang nalagyan na ng boundary, 84, 561.99 ektarya sa Camarines
Norte, 156,793.84 ektarya sa Camarines Sur; 69,579.63 ektarya sa Catanduanes;
140,359.98 ektarya sa Masbate; habang 32, 332.86 ektarya naman sa Sorsogon.
Ayon pa kay Gonzales, ang pagkakakumpleto
ng Forest Land Boundaries sa buong rehiyon ng Bicol ay alinsunod sa Legislative
Agenda ni Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim ng 13 priority bill na
ini-indorso sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ang resulta ng survey ay nasa proseso pa ng
validation ng National Assessment and Delienation Committee (NADC) sa mga
probinsya bago pinal na aprubahan at iindorso sa Mababang Kapulungan. (BARecebido,
PIA Sorsogon/RMendones, DENR-5)
No comments:
Post a Comment