Friday, September 14, 2012

BFP Sorsogon magsasagawa ng maagang inspekyon, bilang paghahanda sa 2013 One Stop-shop Program


 Ni: Jun B. Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, September 14 (PIA) – Sinabi ng BFP Sorsogon City, simula ng lomobo sa 2,000 ang kabuuang bilang ng malalaking negosyanteng may pwesto sa Syudad ng Sorsogon ay iminungkahi na ni BFP Sorsogon City Fire Marshal Senior Insp. Walter Badong Marcial na agahan ang pagsasagawa nila ng inspekyon sa mga establisimiento bilang paghahanda sa taunang One-Stop Shop program ng syudad lalo pa’t nalalapit na ang January 2013.

Ayon kay Marcial, isa sa mga dahilan ng kanilang maagang inspeksyon ay ang limitado nilang bilang ng Fire Safety Inspectors, subalit sinabi din niyang magiging pabor ito doon sa mga nais na makapag-renew ng maaga ng kanilang mga permit at lisensya at pati na rin yaong may mga problema sa pagsunod sa mga alituntunin o safety standard na ipinatutupad ng BFP.

Sa magiging pagpapatupad nito, umaasa ang tanggapan ng BFP ng buong-buo na susuportahan ito ng mga negosyante sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng RA 9514 upang maiwasan ang pag-pagkaantala ng pag-isyu ng fire safety inspection certificate at maiwasan naman ang anumang sakunang dala ng  sunog.

Maari namang makipag-ugnayan sa tanggapan ng BFP Sorsogon City na matatagpuan sa Amberg Compound San Juan Roro, Sorsogon City tungkol sa pagpoproseso ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC). (FBTumalad, PIA Sorsogon/MGCorral, BFP)

No comments: