Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, Setyembre 10 (PIA) – Ipinalabas ng Department of Trade ad Industry
(DTI) Sorsogon ang pinakahuli nilang anunsyo kaugnay ng patuloy na ipinatutupad
nilang mandatory certification ng mga helmet at visor na ginagamit ng mga
motorista.
Ayon
kay DTI Sorsogon provincial director Leah Pagao, ang anunsyo ay kaugnay ng
susunding iskedyul ng pagpoproseso ng aplikasyon ng mga motorista ng Imported
Commodity Certification (ICC) sticker na ilalagay sa kanilang mga helmet at
visor.
Ayon
sa opisyal, ang susunding iskema ay batay sa simulang letra ng apelyido ng mga
aplikante na kinabibilangan ng mga sumusunod: Ang may mga apelyidong
nagsisimula sa letrang A hanggang I ay nakaiskedyul ngayong
buwan ng Setyembre, J hanggang P sa buwan ng Oktubre habang ang mga
letrang nagsisimula sa Q hanggang Z ay nakaiskedyul naman
sa Nobyembre ngayong taon.
Ang
pagpapatupad ng ganitong iskema ay upang maiwasan ang pagkakaantala sa
pagpoproseso ng aplikasyon ng mga motorista dahilan sa pagsisiksikan sa loob ng
tanggapan ng DTI.
Dagdag
pa ni Pagao na dapat lamang na magsumite ang mga aplikante ng kopya ng kanilang
lisensya sa pagmamaneho.
Matatandaang
ipinatupad ang mandatory certification ng mga helmet at visor alinsunod sa
Joint Administrative Order No. 1 series of 2012 ng Department of Transporation
and Communication (DoTC) at Department of Trade and Industry (DTI) na nag-aatas
sa mga motorista na iparehistro ang kanilang ginagamit na helmet para na rin sa
personal nilang kaligtasan.
Layon
nitong maiiwas ang mga motorista sa mas malala pang mga panganib na maaaring
kaharapin habang nagmamaneho sa mga lansangan. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment