Wednesday, September 12, 2012

Pondo sa climate change itinaas ang antas pampamunuan ng pamahalaan- ayon kay Kalihim Paje


LUNGSOD NG SORSOGON, September 13 (PIA) – Ang pagkakabuo ng climate change fund ang nagtaas sa antas ng pampamunuan para sa mahihirap sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino lalo na sa mga kabukiran kung saan ang mga mamamayan ay lubos na umaasa sa likas yaman na lubhang sensitibo sa klima.

Ito ang binigyang diin kamakailan ni Kalihim Ramon J.P. Paje ng DENR sa pagkakapasa ng Republic Act 10174 na tinaguriang People’s Survival Fund o Pondong nilalaan para sa makabangon ang mga mamamayan na siyang nagtatag ng Climate Change Fund na may pangunang halagang isang bilyong piso bawat taon.

Ayon sa Kalihim ito ang pagkakataong sa laban kontra pagbabago ng klima, ang pambansang pamunuan ay nagtaas ng antas ng kanyang pagtugon sa pangangailangan sa climate change. Anya, si Pangulong Aquino ay mistulang naghagis ng lubid na sasagip sa mga pamayanan na siyang magpo-protekta sa kanilang kabuhayan lalo ang mga pook na pangunahing hinahanguan nila ng kabuhayan.

Tinawag nya itong Smart Fund na tuwirang makukuha ng mga lokal na pamahalaan at mga pamayanan upang silang masuportahan sa kanilang pagpupursiging maka angkop sa climate change at mabawasan ang panganib na dulot ng mga sakuna. Ang pondong ito ang syang nagbubuklod ng mga pondo o gugulin mula sa pribadong sektor at tuwirang dinederekta ito kung saan higit itong kailangan.

Ang pondo ay pangangasiwaan ng isang Board na pamumunuan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi at hihirangin ding pangalawang pinuno ang Vice Chair ng Climate Change Commission. Ang ibang miyembro ng board ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Interior and Local Government; Budget and Management; National Economic and Development Authority; Philppine Commission on Women, at iba pang institusyong pananalapi, ang sektor ng pangangalakal at mga non-government organizations.

Samantala bukod sa pagiging kasapi sa advisory board para sa Climate Change Commission, binigyang diin ni Kalihim Paje na sa ilalim ng RA 10174, ang DENR ay binigyan ng tungkuling pamunuan ang pagtatatag at pagpanatili ng climate change information system at network kabilang na ang climate change risks, mga gawain, at pamumuhunan sa pakikipagtulungan sa iba pang kaugnay na pambansang ahensya, mga institusyon at mga lokal na pamahalaan.       

Isinabatas at nilagdaan ang RA 10174 ni Pangulong Aquino noong Agosto 16, 2012 upang magbiagay ng pangmatagalang tulong pananalapi upang ang mga lokal na pamahalaan ay makatugon sa climate change. Ito ay nag amenda ng RA 9729, o ang tinaguriang “Climate Change Act of 2009”. (RMendones, DENR-5/PIA Sorsogon)


No comments: