Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Setyembre 3 (PIA) –
Naging matagumpay ang isinagawang pagbubukas ng Philipppine Civil Service Month
celebration kahapon ng umaga kung saan dinaluhan ito ng lahat ng mga kawani ng
pamahalaang kinabibilangan ng National Government Line Agencies (NGAs), Local
Government, Government Owned and Controlled Corportions (GOCCs) at State
College na ang tanggapan ay pawang naririto sa bisinidad ng lungsod.
Pinangunahan ni Msgr. Augusto Laban ang
Misa ng Pasasalamat ganap na alas-syete ng umaga at agad na isinunod dito ang
Pambungad na Programa kabilang na ang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas,
Pag-awit ng Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat at Panunumpa ng Kawani ng
Pamahalaan.
Si dating gobernador Sally A. Lee naman ang
naguna sa panalangin para sa kapayapaan at panunumpang gigiya sa mga kawani ng
pamahalaan upang maging tunay ding tagapagsulong ng kapayapaan habang
naglilingkod sa bayan.
Nagbigay inspirasyon din sa mga kawani ang
naging mensahe ni CSC Director Arpon Lucero at Gov Raul Lee na ipinaabot ni
Provincial Government Legal Counsel Atty. Mark Guirindola, kung saan kapwa
tinutukan nito ang pagiging isang responsableng kawani at tunay na lingkod
Bayani ng pamahalaan.
Matapos ang simpleng programa ay nagkaroon
ng parada ang lahat ng mga dumalo sa kahabaan ng pangunahing lansangan ng
lungsod ng Sorsogon. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment