Thursday, September 20, 2012

Sorsogon City handa na sa BroadcasTreeing 2012


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, September 20, (PIA) – Handa na lokal na gobyerno ng syudad ng Sorsogon, mga stakeholders at sponsors sa gagawing tree planting activity sa Setyembre 29, 2012 sa ilalim ng kasunduan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa pagsuporta sa National Greening Program na ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ayon kay Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) Sorsogon Chapter Chair Armand Dematera isasapubliko ang nasabing programa sa lahat ng KBP member stations hindi lamang sa Sorsogon kundi sa buong bansa lalo pa’t nationwide ang naging partnership ng KBP at DILG.

Layunin nitong magbibigay ng malaking kalamayan sa publiko hinggil sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno lalo sa mga lugar na nauubos na ang mga pananim o nakakalbo na ang kabundukan. 

Suportado ang nasabing programa ng Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources (DENR-PENRO), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), Energy Development Corporation (EDC), Departemnt of Education (DepEd) at iba pang ahensya ng pamahalaan na may kahalintulad ding layunin. 

Ang tree planting activity ay gagawin sa Barangay Rizal, Sorsogon City na isa sa mga tinukoy ng CENRO bilang reforestation area. 

Ayon naman kay Sorsogon City consultant Tito Fortes, bukas pa rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga nais pang makilahok na indibidwal at mga grupo sa nasabing aktibidad at dapat umanong makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maibilang sa listahan ng mga makikilahok. (BARecebido, PIA Sorsogon/HBinaya)



No comments:

Post a Comment