Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, September 20, (PIA) –
Handa na lokal na gobyerno ng syudad ng Sorsogon, mga stakeholders at sponsors
sa gagawing tree planting activity sa Setyembre 29, 2012 sa ilalim ng kasunduan
ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Kapisanan ng mga
Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa pagsuporta sa National Greening Program na
ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III.
Ayon kay Kapisanan ng mga
Broadcaster sa Pilipinas (KBP) Sorsogon Chapter Chair Armand Dematera
isasapubliko ang nasabing programa sa lahat ng KBP member stations hindi lamang
sa Sorsogon kundi sa buong bansa lalo pa’t nationwide ang naging partnership ng
KBP at DILG.
Layunin nitong magbibigay ng
malaking kalamayan sa publiko hinggil sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno lalo
sa mga lugar na nauubos na ang mga pananim o nakakalbo na ang kabundukan.
Suportado ang nasabing programa ng
Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and
Natural Resources (DENR-PENRO), Community Environment and Natural Resources
Office (CENRO), Energy Development Corporation (EDC), Departemnt of Education
(DepEd) at iba pang ahensya ng pamahalaan na may kahalintulad ding layunin.
Ang tree planting activity ay gagawin
sa Barangay Rizal, Sorsogon City na isa sa mga tinukoy ng CENRO bilang
reforestation area.
Ayon naman kay Sorsogon City
consultant Tito Fortes, bukas pa rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga
nais pang makilahok na indibidwal at mga grupo sa nasabing aktibidad at dapat
umanong makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maibilang sa listahan ng
mga makikilahok. (BARecebido, PIA Sorsogon/HBinaya)
No comments:
Post a Comment