LUNGSOD NG SORSOGON, September 18 (PIA) – Tuloy-tuloy
ngayon ang ginagawang pag-aayos ng tulay ng Department of Public Works and
Highways (DPWH) Sorsogon 2nd District Engineering Office (S2DEO) sa
Brgy. Pongco sa bayan ng Pto. Diaz, Sorsogon upang matiyak na higit pang
magiging matibay ito.
Batay sa impormasyong ipinaabot sa
tanggapan ng PIA Sorsogon ni DPWH District Engineer Juanito Alamar ang naturang
tulay ang natatanging daanan upang makatawid mula sa bayan ng Pto. Diaz patungo
sa distrito ng Bacon sa lungsod ng Sorsogon.
Aniya ang nasabing tulay ay unti-unti nang
nasira dahilan sa haba na ng panahong isinerbisyo nito sa lahat ng uri ng mga
sasakyang dumadaan dito at dahilan din sa pagkakalantad nito sa mga natural na
kalamidad kung kaya’t nangailangan na itong isailalim sa major repair.
Mahigit sa anim na milyon ang pondong
inilaan dito na nakuha ng Alpha Ryder Construction and Supplies upang
magpatupad ng pagsasa-ayos ng tulay.
Si Eng. Jessie Baluyot, hepe ng Sorsogon 2nd
District Engineering Office Soil and Materials Quality Control Section ang naatasan
bilang Project Engineer at si Engr. Eduardo Jebulan naman ang itinalagang
inspektor ng proyekto.
Sa kasalukuyan ay isangdaang porsyento nang
naipatupad ang pagsagawa ng detour o alternatibong daanan at pagtanggal ng mga
istrukturang dapat alisin habang nasa 18.64% pa lamang ang nagagawa sa tulay.
Ayon kay Alamar mahalaga ang nabanggit na
proyekto sa paglago at pagsusulong ng kaunlaran sa mga residente partikular sa
bayan ng Pto. Diaz. (FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon/HEDeri, DPWH-S2DEO)
No comments:
Post a Comment