Ni: Francisco B. Tumalad, Jr.
LUNGSOD NG SORSOGON, September 18, (PIA) –
Sinabi ni Sorsogon Police Community Relations Officer Police Chief Inspector
Nonito F. Marquez ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) na nagsagawa ng
libreng pagsasanay sa hanay ng mga kapulisan ang Land Transportation Office (LTO)
Sorsogon noong nakaraang linggo na ginanap ito sa Kampo Escudero Sr. , lungsod
ng Sorsogon.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni
Sorsogon Police Provincial Director PSSupt. John CA Jambora. Naging guest
lecturer dito si Ginoong Ricardo Nepomuceno, Supply Officer ng LTO-Sorsogon
habang nagbigay naman ng pambungad na pananalita si PCI Erwin Doma,
Administrative Officer at iprinisinta ni P/Supt. Robert AA Morico, tumatayong
Deputy provincial Director for Administration ng Sorsogon Police Provincial
Office ang naging paksa ng isang araw na pagsasanay.
Ayon kay PCI Marquez ang pagsasanay sa
hanay ng mga kapulisan ay may kaugnayan sa tamang pangangalaga ng mga sasakyan
na itinalaga para sa kanilang mga yunit nang sa gayon ay epektibo at mabilis
itong makapaghahatid ng napapanahong serbisyo publiko.
Pagkatapos ng masusing pagsasanay ay sumunod ang pagtuturo ng Defensive Driving
Strategies upang makaiwas sa malalaking aksidente, pagtuturo ng dagdag kaalaman
sa tamang paggamit ng hazard light, stop light at signal lights sa oras na
nasiraan sila o di kaya’y tatabi ng daan at
liliko sa pakrus na kalsada.
Binigyan din ang mga kalahok ng dagdag
kaalaman sa pagbibigay-daan lalong-lalo na sa mga maliliit na sasakyan at
maging sa malalaking mga sasakyan.
Ayon kay Nepomuceno, ang tagapagpatupad ng
batas ang siyang dapat na unang kinakikitaan ng magandang halimbawa at totoong
sumusunod sa ipinapatupad nilang batas upang matuto ring sumunod ang publiko.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga tauhan ng pulis
mula pa sa ibat-ibang istasyon ng pulisya sa buong lalawigan ng Sorsogon.
(FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon/ SPPO-PCRO)
No comments:
Post a Comment