LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 28 (PIA) – Nananatiling nasa “Heightened Alert Status” ang Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng kapaskuhan at bilang paghahanda rin sa pagsalubong sa bagong taon.
Tuloy din ang ginagawa nilang bandillo partikular sa bisinidad ng
Sorsogon upang higit pang paigtingin ang kamalayan ng publiko ukol sa tamang
pag-iingat at pag-iwas sa sunog.
Makikita din ang presensya ng kanilang mga
tauhan at ang pag-iikot ng BFP fire truck bilang bahagi pa rin ng kanilang Fire
Safety Information Drive.
Ayon kay BFP Sorsogon City Fire Marshal
SInsp Walter Marcial, magtatagal ang pagsasagawa ng bandillo sa huling araw ng Disyembre habang ang deklarasyon ng alert
status ay hanggang sa ikalawang araw ng Enero 2013.
Umani din ng pagpuri ang libreng blood
pressure monitoring at BFP public assistance sa mga malalaking shopping mall sa
lungsod ng Sorsogon na sinimulan nilang gawin noong Disyembre 24 upang matiyak
ang kaligtasan ng mga mamimili lalo pa’t dumagsa ang mga ito dahilan sa
kabi-kabilang mga Christmas Sale at Discount. Magtatagal din ang kampanyang ito
ng BFP Sorsogon City hanggang sa huling araw ng Disyembre.
Samantala, ang mga malalaking ospital at
district hospital sa lalawigan ay isinailalim sa “Code White Alert Status” bago
pa man magsimula ang pagdiriwang ng pasko.
Matatandaang nakipag-ugnayan din sa mga
pribadong ospital sa Sorsogon ang Department of Health (DoH) upang magsanib
pwersa at magtulungan sa pagpapatupad ng “Code White Alert” mula Disyembre 21,
2012 hanggang Enero 5, 2013.
Ang “Code White Alert Status” ay itinataas
sa mga panahong tulad nito bilang paghahanda ng lahat lahat ng mga pampublikong
ospital upang agad na malapatan ng lunas ang mga taong itatakbo sa pagamutan
sanhi ng paggamit ng iba’t-ibang uri ng malalakas na paputok.
“On call” naman ang lahat ng mga resident
doctor sa Dr. Fernando B. Duran, Sr. Memorial Hospital o mas kilala sa tawag na
Sorsogon Provincial Hospital anumang oras na kailanganin ang serbisyo ng mga
ito lalo na kung nakababahala at dagsa ang bilang ng mga pasyente at biktima ng
paputok. (BARecebido/FBTumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment