Friday, May 25, 2012

PIA brass directs staff to disclose any Ombudsman complaint


PIA brass directs staff to disclose any Ombudsman complaint
Initial survey shows nobody has pending case

QUEZON CITY, 24 May (PIA) – Not even one official or employee of the Philippine Information Agency from the 16 provinces of Southern Luzon has a pending case with the Ombudsman.

PIA Director-General Jose A. Fabia found this out in a face-to-face meeting on Wednesday with the staff of the three regions in Southern Luzon – Calabarzon, Mimaropa and Bicol -  who had their cluster meeting in Mabini town in Batangas.

A random survey conducted at the PIA central office also showed that most officials and employees have no pending case with the Ombudsman.

A recent report, allegedly coming from the Ombudsman, ranked PIA as number four among agencies with the most number of cases filed with the Ombudsman in 2011. It had 490 cases.

“This came as a total surprise to the management,”Fabia said, stressing that the agency neither has had notice of disallowances, suspensions, nor notice of charges for all audited funds by the Commission on Audit since he assumed office in 2010.

The director-general thus directed all officials and employees to disclose any pending case with the Ombudsman in the form of a memorandum containing the name of complainant, the charge, and the date the complaint was filed. Certified copies of the complaint, answer, or any document issued in connection with the complaint are to be attached.

He also directed personnel with no pending case to submit a memorandum to him stating that they have no pending case, or that they received summons relative to any pending case. “Non-disclosure of pending case is considered conduct prejudicial to the best interest of the service,” he said in his May 24 memorandum.

It was gathered that PIA at present has a workforce of only about 400 from all over the country. (PIA/DOS)

PNP SORPPO nagsagawa ng libreng swimming lesson


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Matagumpay na nagtapos ang libreng Swimming lesson ng Sorsogon Police Provincial Office noong nakaraang linggo na ginawa sa Aquarian Gem Resort, sa barangay Pangpang, lungsod ng Sorsogon City. 
Ito ang pagmamalaking inihayag ni PCI Ruben D. Padua, Jr., hepe ng Police Community Relations at Public Relations Officer ng Sorsogon Police Provincial Office matapos na matanggap ang mga feedback ng magulang at mismong ng mga batang lumahok sa nasabing aktibidad.

Sinabi ni Padua na labinglimang mga bata na may edad apat pataas ang nabenipisyuhan ng nasabing libreng pagtuturo ng mga kapulisan mula sa PNP Provincial Office.

Matatandaang unang sinimulan ang free swimming lesson sa pagtuturo sa mga mismong anak ng mga pulis subalit hindi naglaon ay binuksan din ito para sa iba pang mga interesadong kabataan lalo na sa kamag-anak ng mga pulis at nakagawian nang gawin tuwing summer bilang isa sa mga programa ng Sorsogon Police Provincial Office.

Kabilang sa mga naging swimming instructors sina SPO2 Nestor J. Aguirre at PO2 Wilbert L. Labayo at iba pang mga tauhan ng PNP na nakadestino sa Sorsogon Police Provincial Office at Police Community Relations  section.

Ang mga bata ay tinuruan ng warm up exercises bago tuluyang lumangoy, mga basic swimming strokes at iba pang wáter survival tips.

Ang nasabing programa ay hindi lamang nakatuon sa paglalangoy, kundi itinuro din ngmga instructor sa mga bata ang mga natatanging paghahanda sakaling magkaroon ng mga kalamidad o hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkalunod at iba pang kahalintuilad na emerhensya. (SPPO/BARecebido, PIA Sorsogon)

Photos by: PO2 Mike Espena, SPPO


Lebel ng kooperasyon ng komunidad sa Sorsogon City tumaas ayon sa PNP


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Inihayag ni Sorsogon City Police Chief PSupt Edgardo Ardales na tumaas ang lebel ng kooperasyon ng komunidad dahilan upang mamamantini ang mababang bilang ng mga kriminalidad sa lungsod.

Aniya kitang-kita ito sa ilang mga barangay at subdibisyon kung saan mismong ang mga homeowners na ang nagkukusang mag-organisa ng mga grupong mangangalaga at poprotekta sa kanilang kaligtasan at makatulong na rin sa programa ng mga kapulisan upang makamit ang ligtas at maayos na pamayanan.

Sinabi rin ng opisyal na maliban sa tumaas na lebel ng koperasyon ng komunidad, hindi rin maisasantabi ang malaking tulong ng mga karagdagang 50 police trainees na itinalaga sa lungsod kahit pa nga limitado lamang sa police visibility ang partisipasyon nito.

Ayon kay Ardales na ang ratio ng pulis sa binabantayang populasyon nito ay 1: 1,500, subalit kung papalaring makapagtalaga ng mga karagdagang pulis sa lungsod at maabot ang ideal na ratio na isang puilis sa bawat isanglibong populasyon ay mas magiging magaan sa kanila ang pagresponde sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Samantala, pabor din si Ardales sa muling pagbuhay ng National Identification System kung saan aniya’y malaki ang maitutulong ng nasabing sistema sa pagtukoy sa mga masasamang loob o paghahanap ng mga may pananagutan sa batas, subalit aminado siyang sa unang bungad nito ay maaring manibago ang karamihan ngunit positibo pa rin umano siya na sa kalauna’y tuluyan din itong matatanggap ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Ardales na mas maganda kung magkakaroon ng malawakang implementasyon upang kahit pumasok ang isang dayuhan sa isang lugar ay madaling matutukoy ito at malaman kung ano ang kanyang layunin sa pagpunta sa lugar. (FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)



Pagiging mapanuri at mapagbantay ng mga mamimili ipinanawagan ng DTI


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Sa isinagawang “Briefing on Fair Trade Laws for Media Practitioners” ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Huwebes, hiningi ni DTI Bicol Trade Regulation and Consumer Welfare Division Chief Helen A. Manila ang tulong ng mga kasapi ng mga mamamahayag sa Sorsogon na himukin ang publiko lalo na ang mga kunsumidor na maging mapanuri at mapagbantay sa kanilang mga binibiling produkto at serbisyo.

Aniya, isa sa adbokasiya ng DTI ay ang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili kung kayat dapat umanong maprotektahan ang mga ito laban sa mga abusadong mga negosyante.

Kabilang sa tinalakay ni Manila ang Business Regulation kung saan ipinaliwanag niya ang ilang mga direktiba sa pagsasalegal ng operasyon ng isang negosyo; Consumer Education and Advocacy na kinabibilangan ng pagpapalawak ng kaalaman ng publiko ukol sa kanilang mga karapatan bilang konsumidor; Constituency Building kabilang na ang akreditasyon ng mga consumer organization; Paghawak sa mga reklamo ng mga mamimili; at ang pagsubaybay sa mga establisimyento at pagpapatupad ng batas sa mga lumalabag dito.

Tinalakay din sa nasabing briefing ang ilang mga karanasang kinaharap ng mga lokal na mamamahayag sa kanilang pamimili at ilang mga paglilinaw sa karapatan ng mga mamimili at maging ang mga paglabag o pang-aabusong maaaring gawin ng mga negosyante.

Ayon sa mga kinatawan ng DTI, mahalagang sa pagbili ng produkto o serbisyo ay humingi ng resibo upang sakaling magkaroon sila ng problema sa mga nabili nila ay maari nila itong palitan, ipaayos o i-refund kung kinakailangan, subalit dapat na masiguro nilang armado sila ng sapat na katibayan na magpapatunay ng kanilang mga inirereklamo.

Maging sa paglapit at paghingi nila ng tulong sa DTI ay una rin umanong hahanapin ang resibo at ang pinamili upang kung magsasampa man sila ng reklamo ay mayroon silang ipiprisintang katibayang magdidiin sa mga negosyante.

Nilinaw din ng DTI na kung magrereklamo ay dapat na bumalik muna sa binilhang tindahan o establisimyento upang doon magreklamo at pupunta lamang sa mga ahensyang sangkot kung hindi sila nagkasundo at ang may-ari ng establisimyento.

Dagdag pa ng DTI na dapat magreklamo ang isang kunsumidor sa tamang ahensya tulad ng mga sumusunod: kung tungkol ito sa gamot o beauty products, dapat na dumulog sa Department of Health o sa Food and Drugs Administration, kung forest products ay sa Department of Environment and Natural Resources, kung produktong agrikultura o pangisdaan ay sa Department of Agriculture at sa Department of Trade and industry kung patungkol naman sa mga pangunahing pangangailangan.

Umaasa ang DTI na sa tulong ng mga lokal na mamamahayag ay maipapaabot sa publiko ang kanilang mga karapatan at tamang edukasyon bilang mga mamimiliat maging ang mga obligasyon at karapatan din ng mga negosyante nang sa gayon ay naiiwasan ang anumang mga hindi pagkakaunawaan sa panig ng kunsumidor at negosyante. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Mga magulang at guro nagkaisa para sa “Brigada Eskwela”


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Opisyal na nagtapos ngayong araw ang isang linggong “Brigada Eskwela” na tinawag ding “maintenance week” o paglilinis sa lahat ng mga paaralan hindi lamang sa lalawigan ng Sorsogon kundi maging sa buong bansa.

Ayon kay Deputy City Schools Division Superintendent Rose Caguia, organisado at nagkaisa ang mga magulang sa ginawang “Brigada Eskwela” sa lahat ng mga paaralan sa Sorsogon City lalo’t malinaw sa mga ito adhikain ng aktibidad na maihanda ang mga paaralan at agarang masimulan ang pormal na klase sa unang linggo pa lamang ng pasukan, kung kaya’t naging matagumpay ito.

Nilinaw ni Caguia na hindi nila pinagbawalan ang sinuman, indibidwal man, organisasyon o grupong nais na tumulong sa pagsasaayos ng mga paaralan. Aniya, ang lahat ng mga "solicitation letter”, kung meron man, ng mga school teachers na may kaugnayan sa “Brigada Eskwela” ay dumadaan muna kay City School Division Supt. Virgilio Real at tinitingnan kung maari itong aprubahan o hindi.

Inihayag din niyang hanggang sa pagtatapos ng aktibidad ay walang pumasok na solicitation letter sa tanggapan ni Dr. Real para paaprubahan ito. Ipinaliwanag din niyang may tinatawag diumano silang Adopt-A-School Program kung saan may mga tanggapan o institusyong nag-aadopt ng paaralan at tinutulungan nito sa pagsasaayos at pagpapaganda ng kanilang adopted school.

Wala rin umanong sapilitang kontribusyong hiningi sa mga magulang para sa “Brigada Eskwela” sapagkat idinadaan muna sa konsultasyon ang lahat ng mga hihingiin o pangangailangan ng isang paaralan  at ikinukunsulta din sa mga opsiyal ng DepEd bago ipatupad ang kusang loob na pagbibigay ng anumang tulong sa isang paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay binuksan hindi lamang sa mga magulang kundi sa lahat ng sektor sa komunidad na nais tumulong na maihanda ang paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Ang klase para sa taong 2012-2013 ay opisyal na bubuksan sa ika-apat ng Hunyo 2012. (BARecebido, PIA Sorsogon)