Thursday, November 29, 2012

Pasko sa Sorsogon mapupuno ng kasayahan



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 30 (PIA) – Inaabangan na ng mga Sorsoganon ang pagpasok ng buwan ng Disyembre ngayong taon dahilan sa magkahiwalay na mga aktibidad na inihanda ng pamahalaang lokal ng lungsod at ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon.

Isang buwang “Paskonswelo  sa Kapitolyo” ang pangungunahan ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon na sisimulan sa Disyembre a-uno hanggang Disyembre 30, 2012 habang ang “Sosogon Festival” naman ng pamahalaang lungsod ng Sorsogon ay gagawin mula ika-8 ng Disyembre hanggang ika-16 ng Disyembre 2012.

Ang Sosogon Festival ay ipinagdiriwang sa buwan ng Disyembre bilang pasasalamat ng lungsod sa mga biyayang natanggap sa buong taon at bilang paggunita na rin sa pagkakatatag ng Sorsogon City noong ika-16 ng Disyembre 2000.

Ang Sosogon ay salitang Sorsoganon na ang ibig sabihin ay tahakin o baybayin ang daanan patungo sa pupuntahang lugar.

Ayon kay City Mayor Leovic Dioneda, naka-iskedyul man ang grand opening ng Sosogon Festival sa Disyembre 12 kung saan bubuksan din ang Sosogon Expo 2012 tampok ang mga produktong agrikultural ng lungsod, mayroon pa rin silang inihandang pre-festival activities simula Disyembre a-uno.

Ilang mga sikat na personalidad din ang inaasahang darating sa lungsod. Sa Disyembre 16 gaganapin ang culminating activity sabay sa unang araw ng Misa de Aguinaldo. Matapos ito ay magkakaroon ng salo-salo ang mga nagsipagdalo sa misa. Sa hapon ay gaganapin naman ang Street Dance at Dance Ritual Competition.

Tema ng Sosogon Festival ang “Tangkilikin, Produktong Tatak Kalikasan”.

Samantala, nakalinya din ang iba’t-ibang mga patimpalak sa gagawing “Paskonswelo sa Kapitolyo” kung saan ayon kay Sorsogon Governor Raul R. Lee nais niyang bigyan ng ibayong kasiyahan ang mga Sorsoganon kasabay ng pagpapalago pa ng mga natatanging talento at kapabilidad ng mga ito.

Ang mga patimpalak ay sa larangan ng isport kasama ang mga bading, indigenous games, kantahan, display ng mga Christmas Lantern, yuletide quiz bee, Search for Sta. Clause look and dress-alike, Inter-municipal at Rural Health Unit Christmas Tree Contest, Paskonswelo de Tawa at marami pang iba.

Maliban sa patimpalak ay may iba pang mga aktibidad tulad ng “Salud Mo, Sagot Ko”, Carabao Ride at the Park, Nightly Shows, Job’s Fair, Bingo Bonanza, “Rapasko feat Repablikan” Concert, Pacman-Marquez Fight Free Showing at iba pa na tiyak na magbibigay saya sa publiko.

Magtatapos ang “Paskonswelo sa Kapitolyo” sa pamamagitan ng Fireworks Grand New Year’s Concert with Countdown alas-dyes ng gabi sa Disyembre 31 bago tuluyang mamaalam ang taong 2012 at pumasok ang taong2013.

Ayon sa mga punong-abala ng dalawang aktibidad, tiniyak nilang gawing makulay at masaya ang mga aktibidad upang dayuhin ito ng mga Sorsoganon partikular ng mga taga-lungsod at ng mga bibisita dito lalo pa’t nataon ito sa panahong ipinagdiriwang ang pasko. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Sokor Rocket Launching postponed anew

NDRRMC: South Korea has again postponed its satellite launch scheduled at 3pm today, Nov 29. NDRRMC Exec Dir Benito Ramos said the reason given is a "technical glitch on propulsion." As a result, the no sailing, flying, fishing policy implemented off the eastern seaboard of Regions 5, 8, CARAGA has been lifted. Alert status on these areas has been downgraded from red to blue, until further notice. Ramos also asked for understanding from the public in these areas. "We wait until further notice from the Ministry of Educ, Science & Technology of South Korea when the next launch will be," he said.

NDRRMC: Red alert status is downgraded to blue after NDRRMC executive director Usec Benito Ramos received information on the postponement of the South Korea satellite launch which was scheduled at 3pm today. Ramos told the public in areas identified to be affected by the launch to remain alert since the launch may be pushed through in a day or two. The spacecraft has reportedly faced some technical glitch on its propulsion.

City Veterinary Office nakikiisa sa pagdiriwang ng Sosogon Festival 2012



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 29 (PIA) – Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo, nakikiisa ang City Veterinary Office (CVO) sa gagawing pagdiriwang ng Sosogon Festival ng Sorsogon City ngayong taon.

Ayon kay City Veteterinary Technician Arwill Liwanag, sinadya nilang isabay ang aktibidad sa Sosogon Festival nang sa gayon ay mas marami ang makakapansin at mas mapapalawak nila ang pagpapabot ng kaalaman sa publiko ukol sa tamang pangangalaga sa mga alagang hayop.

Tampok sa kanilang aktibidad ang pagsasagawa ng “Love Dog Services” o libreng serbisyo para sa mga alagang aso sa darating na ika-14 ng Disyembre, 2012 simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ayon kay Liwanang, babakunahan nila ng kontra rabis ang mga aso at magsasagawa din sila ng neutering o pagkakapon ng mga lalaking aso at spaying o pagtanggal ng matris ng mga babaing aso.

Aniya, maliban sa nasabing mga serbisyo ay magsasagawa din sila ng hair trimming, nail clipping, ear cleaning at paggamot sa kuto o garapata ng mga alagang aso.

Kaugnay ng mga aktibidad na ito, nanawagan ang pamunuan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni City Veterinarian Dr. Alex Destura sa mga residente ng lungsod ng Sorsogon na samantalahin ang libreng serbisyong  ito para na rin masuri ang kalagayan ng mga alagang aso at maiwasang mahawaan ng sakit ng aso ang mga nakatira sa loob ng tahanan.

Ayon pa kay Liwanang, sinisikap ng CVO na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagmamantini din ng kalinisan ng kanilang mga alagang hayop lalo na kung nakatira sila sa iisang bahay.

Samantala, ang Sosogon Festival ay ipinagdiriwang sa buwan ng Disyembre bilang pasasalamat ng lungsod sa mga biyayang natanggap sa buong taon at bilang paggunita na rin sa pagkakatatag ng Sorsogon City noong ika-16 ng Disyembre 2000.

Sisimulan ang pagdiriwang ng Sosogon Festival mula ika-walo hanggang ika-16 ng Disyembre 2012 kung saan aabangan ng mga taga-lungsod at ng mga bibisita dito ang makukulay na aktibidad lalo pa’t natataon ito sa kapanahunan ng pasko.(BARecebido, PIA Sorsogon)

Wednesday, November 28, 2012

INDIGENOUS SPECIES 83% KAN MGA ITATANOM SA GREENING PROGRAM



SYUDAD NIN LEGAZPI, Nobyembre 28 (PIA) – HAROS 57 MILYON NA BANHI AN NAKONSEGER KAN DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (D-E-N-R) DANGAN MGA KATARABANG KAINING ORGANISASYON KAN OKTUBRE NGONYAN NA TAON, KUN SAEN 83 PORSYENTO KAINI O 47.2 MILYON AN KATIRIPONAN NIN MGA INDIGENOUS TREE SPECIES O MGA POON NIN KAHOY NA TUBUANON SA LOKALIDAD.

TINAWAN NIN PALIWANAG NI ENVIRONMENT SEC. RAMON PAJE NA AN SIRING NA LAKDANG IYO AN PAGTUNGKOS SA KATOYOHAN KAN DEPARTAMENTO NA MAGBALYO SA PAGGAMIT NIN EXOTIC O DAYONG POON NIN KAHOY PASISIRNG SA MGA TUBUANON O INDIGENOUS SPECIES.

NAGTUTUBUD SI PAJE NA AN N-G-P NAGTATAONG KARAKTER SA PAGKA-FILIPINO KAN PROGRAMA, KASABAY INI SA MEMORANDUM CIRCULAR NA IPINALUWAS KAN D-E-N-R KAN MAYO NA MAY KASUGUAN KAN PAGGAMIT NIN MGA TUBUANON NA POON NIN KAHOY SA GREENING PROGRAM KAN GOBYERNO.

SA KABILOGAN NA BILANG, AN D-E-N-R NAKAPAGTIPON NIN 43.45 MILYON KAIRIBA NA AN 2.37 NA BANHI NIN BAKAWAN; 3.14 MILYON AN PINATAMBO KAN PHIL. TROPICAL FOREST CONSERVATION FOUNDATION (P-T-F-C) SAKA AN FOUNDATION FOR PHIL. ENVIRONMENT (F-P-E); BUDA 154,694 GIKAN SA MGA STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES (S-U-Cs).

LAEN PA SA MGA FOREST TREES, IGWA MAN NIN 4.1 MILYON NA FRUIT-BEARING TREES O MGA NAMUMUNGANG KAHOY AN PINATAMBO KAN D-E-N-R BUDA DEPARTMENT OF AGRICULTURE (D-A).

MIENTRASTANTO, PARA SA URBAN GREENING O PAGTATANOM NIN KAHOY SA MGA URBANISADONG LUGAR, IGWANG 765,173 NA ORNAMENTAL SEEDLINGS AN NAPATAMBO SA NASABING PERIODO, NA KOMPUESTO NIN MGA ACACIA, AGOHO, ALIBANGBANG, ARATELIS, ILANG-ILANG, BALITBITAN, CABALLERO DANGAN TALISAY. (Ruby Mendones, DENR-V/PIA Sorsogon)

Bayanihan Music Video Launch



Philippine Army Officers' Club, Fort Bonifacio, November 28, 2012 (PIA) The Armed Forces of the Philippines in cooperation with the Presidential Communications Operations Office, Optical Media Board, MTRCB, National Telecommunications Commission, OPAPP, and MMDA launches a music video entitled "Bayanihan" performed by Sarah Geronimo. It is an inspiring video encouraging Filipinos to work together to attain just and lasting peace. It captures the message that the Bayanihan IPSP wants to convey.

The Bayanihan Internal Peace and Security Plan is a comprehensive plan that aims “to reduce internal armed threats to a level that they can no longer threaten the stability of the state, and civil authorities can ensure the safety and well-being of the Filipino people.” Col. Boyet Burgos, spokesperson of the AFP shared that Bayanihan IPSP is different from the previous plans because it focuses on winning the peace and highlights the role of the different stakeholders in society.

The Presidential Communications Office partners with KBP, private media organizations, and OAAP to show the new music video and air the song. During the Nov. 28 launch at Fort Bonifacio, PCOO Undersecretary Lesley Cordero said that "it is not enough to tap the government mass media channels only for the showing of the video, we need to be able to reach out to more people and inspire them to contribute and get involved in the Bayanihan peace advocacy. Kailangan mapanood ng mga nasa iba't-ibang probinsya ang MTV. This is a powerful and inspiring video that should go viral. We urge people who have seen the video to share it." We will use television, radio, LED boards, and social media platforms to share this video and encourage more young people to take part in the Bayanihan, she added.

The Optical Media Board and Movie Television Review and Classifications Board are also one with the AFP in promoting this advocacy. " It is very reassuring to know that we have more artists who are willing to be part of the Bayanihan para sa Kapayapaan advocacy. Ms. Sarah Geronimo is a very talented and popular. She can inspire more people to be part of this," OMB Chair Ronnie Ricketts added. MTRCB is also encouraging cinema and theatre owners to show the music video in cinemas all over the Philippines.

The Bayanihan Music Video launch was spearheaded by the AFP Major Services Commanding Generals, AFP Chief of Staff Gen. Jesse Dellosa and the DND Secretary Voltaire Gazmin. Officials from other government agencies were also present together with the NGOs and other civil society stakeholders to take part in the launch of the video. (Atty. Christine Lovely E. Red; +63 917 468 9451/PIA)

---------------------------------------------------



Inilunsad ng AFP, PCOO ang Bayanihan music video

Inilounsad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Presidential Communications Opertions Orffice (PCOO), gayundin ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang music video sa Fort Bonifacio Miyerkoles upang mahimok ang bawa’t Pilipino na makiisa sa pagsisikap na matamo ang tunay na kapayapaan sa bansa.

Ang music video na pinamatagang Bayanihan ay nagsusulong ng Internal Peace and Security Plan (IPSP) ng AFP upang maghari ang kapayapaan sa Pilipinas. Gagampanan ito ni Sarah Geronimo na tanyag na artista at mang-aawit.

Layunin ng IPSP na mabawasan ang panloob na bantang maaaring hindi makabuti sa kapanatagan ng bansa at kaligtasan ng madla, sabi ni Koronel Boyet Burgos, tagapagsalita ng AFP. Ang Bayanihan IPSP ay naiiba kaysa sa mga naunang panukalang pangkapanatagan ng AFP dahil nakatuon ito sa pagtatamo ng kapayapaan at nagpapatingkad ng mahalagang tungkuling ginagampanan ng iba-ibang antas ng lipunan, paliwanag pa ni Burgos.

Idinugtong ni Cordero na gagamitin ng pamahalaan ang telebisyon, LED boards at social media platform para lumaganap ang ‘video’ at mahikayat ang mga kabataan na makiisa sa pagsusulong ng kapayapaan.

Katuwang din ng PCOO sa proyektong ito ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipin as, mga pribadong media at ang Outdoor Advertising Association ng Pilipinas para itanghal ito at iparinig ang nasabing awit.

Sinabi ni Ronnie Rickets, tagapangulo ng “Optical Media Board” na natutuwa siya sa dami ng mga artistang nagpakita ng interes na makalahok sa Bayanihan para sa Kapayapaan.

Idinugtong niyang napaka-popular ni Sarah Geronimo at marami siyang maaakit para lumahok sa nasabing kilusan.

Hinikayat naman ng Movie Television Review and Classification Board ang mga may sinehan na ipalabas ang music video sa kanilang mga sine sa buong bansa.

 

Dialysis Center ng PHO bubuksan bago magtapos ang 2012


Hemodialysis Machine
Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 28 (PIA) – Sa patuloy na pagtaas ng bilang ngayon ng mga tinatamaan ng sakit sa bato at pagsasailalim sa mga pasyente sa hemodialysis, sinisikap ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon na matugunan ang pangangailangan ng mga apektado nito sa pamamagitan ng pagbubukas ng Hemodialysis Center sa Provincial Hospital.

Sa tala ng Philippine Renal Disease Registry noong 2011, 290 ang bilang ng mayroong malalang sakit sa bato at dinadialysis na sa buong rehiyon ng Bicol, 20 porsyento nito ay galing sa Sorsogon.

Sa pinakahuling tala naman ng Sts. Peter and Paul Hospital (Pepau) ngayong taon, umaabot sa 54 ang bilang ng mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis sa Sorsogon, hindi pa kasama dito ang bilang mula sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital (MMG).

Kaugnay nito, tiniyak ni Provincial Health Officer Dr. Edgar Garcia na magiging operational na ang Hemodialysis Center sa loob ng Dr. Fernando Duran Sr. Memorial Hospital o mas kilala sa tawag na Sosogon. Provincial Hospital sa darating na buwan ng Disyembre.

Sa pagsisimula ng operasyon ng nasabing Hemodialysis Center tatlong hemodialysis machine ang gagamitin at pagsisiskapan pa ng lokal na pamahalaan na makabili pa ng mga karagdagang yunit.

Inamin din ng doktor na lubhang mabigat para sa isang pamilya na tustusan ang pangangailangan ng mga pasyenteng itinatakbo sa mga pribadong ospital upang sumasailalim sa dialysis lalo pa’t kinakailangang gumastos ng isang pasyente ng halos ay P3,000 hanggang P5,0000 sa bawat sesyon ng dialysis. Ang isang pasyente ay maaaring isailalim sa tatlo hanggang dalawang sesyon bawat linggo depende sa kondisyon nito.

Katuwang ng PHO ang ilang mga doktor sa pribadong ospital dito katulad ng mga nephrologist habang ang PHO naman ang siyang mamamahala sa pagpapatakbo ng nasabing Dialysis Center. Kumpleto na rin sa technical staff at iba pang mga kagamitan ang Dialysis Center ng PHO.

Sa kasalukuyan dalawang ospital sa buong lalawigan ang mayroong dialysis center na pawang nasa mga pribadong ospital kung saan anim na dialysis machine ang nasa Pepau habang siyam naman sa MMG. (BARecebido)