LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 14 (PIA) –
Muling inanunsyo ni Commission on Election Sorsogon Provincial Election Supervisor Atty.
Calixto Aquino na na mahigpit na nilang ipinatutupad ang gun ban sa buong
lalawigan ng Sorsogon.
Kahapon ay naging matagumpay ang unang araw
ng pagpapatupad nito matapos na maging mapayapa at walang naitalang lumabag sa
atas na ito. Sabado pa lamang ng gabi ay sinimulan na ng mga awtoridad dito sa
Sorsogon ang ckeck-point sa mga istratehikong lugar kasama na ang bisinidad ng
lungsod.
Ayon kay Aquino, bago pa ipatupad ito ay madalas
silang nakipag-ugnayan sa Philippine National Police Sorsogon at maging sa Philippine Army upang mapaigting
at mapalawak pa ang pagsasagawa ng check-point sa mga istratehikong lugar nang
sa gayon ay maiwasan ang anumang mga kaguluhang maaaring dalhin ng masasamang
elemento at mapigilan ang pagkalat ng mga loose firearms na maaaring gamiting
instrumento ng karahasan sa darating na halalan sa Mayo 13, 2013.
Mahigpit din ang paalala ng Comelec sa mga
may-ari ng baril na huwag magbibitbit nito sa labas ng kanilang bahay bunsod na
rin ng pagpapatupad ng Comelec gun ban simula Enero 13 hanggang Hunyo 12, 2013
kung saan lahat ng lisensiya at Permits to Carry Firearms Outside Residence ay
suspendido.
Tanging ang mga miyembro lamang ng
Philippine National Police, (PNP) Armed Forces of the Philippines (AFP) at
National Bureau of Investigation (NBI) na naka-uniporme at naka-duty ang
papayagang magdala ng baril sa labas ng kanilang tahanan.
Ang mga bodyguard naman ay papayagan
umanong magdala ng baril kung may permiso sila mula sa Comelec.
Aminado naman si Aquino na may ilang mga
personalidad dito sa Sorsogon na nakasuhan na rin nitong mga nakaraang taon dahilan
sa paglabag sa gunban, subalit hindi na rin niya inilahad kung ilan ang bilang
nito. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment