LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 6 (PIA) –
Muling nagpulong ang mga kasapi ng Technical Working Group ng Provincial Gender
Advocacy and Development Council (PGADC) kaugnay ng mga paghahandang gagawin
para sa darating na selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan sa Marso.
Ayon kay PGADC Vice-Chair at Board Member
Rebecca Aquino, taliwas ng mga nakaraang taon, simple lamang ang magiging
selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong taon dahilan sa dami din ng
aktibidad sa buwan ng Marso tulad ng pagsisimula ng panahon ng kampanya ng mga
lokal na opisyal, pagkakaroon ng mga graduation exercise at selebrasyon ng
Semana Santa.
Kabilang sa mga napag-usapang mga aktibidad
ng PGADC sa darating na Marso ay ang pagkakaroon ng banal na misa, Healthy
Lifestyle Dance ng mga kababaihan kung saan imbitado din ang mga media at
sinumang interesadong Sorsoganon na nais maki-hataw na gaganapin sa Provincial
Gymnasium sa Marso a-uno.
Ilan pa sa nakalinyang aktibidad ang pagiging
panauhin ng mga kasapi ng PGADC sa “Programang Pangkalusugan” sa radyo sa mga
araw ng linggo at pagkakaroon ng Skills Demonstration Contest na pangungunahan
ng Department of Trade and Industry (DTI).
The empowered PGADC-TWG members (photo: PGADC) |
Ang GAD Profile ay magagamit na basehan sa
pag-alam sa kalagayan at estado ng pamumuhay ng mga kababaihan sa lalawigan ng
Sorsogon anumang sektor ang kinabibilangan nito. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment