Photo Courtesy: SPPO |
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 19 (PIA) – Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga gumagamit ng motorsiklo para sa
kanilang tansportasyon, minabuti ng Pink Tie Management (PTM), Inc. sa pakikipagtulungan
sa Motorcycle Development Participants Program Association (MDPPA), Inc. na
magsagawa ng Motorcycle safety Caravan kamakailan dito sa lungsod ng Sorsogon.
Ayon kay PCInsp
Nonito F, Marquez, isa sa mga dumalo sa nasabing caravan nais matiyak ng mga
organizer ng aktibidad na maisulong ang ligtas na pagsakay sa motorsiklo ng mga
motorista lalo na yaong mga kabataan hindi lamang dito sa lungsod kundi sa
buong bansa.
Nais din umanong
isulong ng PTM at MDPPA ang mga patakarang binuo ng pamahalaan sa paggamit ng
helmet bilang isa sa mga mahahalaagang gamit pangkaligtasan ng mga nagmamaneho
at sumasakay ng motorsiklo.
Maliban sa mga
kapulisang nais matuto ng mga hakbang pangkaligtasang makakatulong hindi lamang
sa kanilang mga personal na pangangailangan kundi maging sa uri ng kanilang
trabaho, dumalo din ang mga motorcycle enthusiasts at kasapi ng motorcycle organization
sa lungsod ng Sorsogon.
Positibo naman
ang mga organizer na mas magiging maingat na ang mga gumagamit ng motorsiklo sa
lungsod nang sa gayon ay higit na maiiwasan ang pagtaas pa ng bilang ng mga
aksideteng sanhi ng pagiging iresponsableng tsuper.
Matatandaang
noong huling kwarter ng 2012, 16 na mga aksidente sa lansangan na
kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang naitala ng Sorsogon Police Provicial
Office, karamihan sa mga tsuper at sakay nito ay mga kabataang hindi gumamit ng
helmet na kung hindi man namatay ay nagtamo naman ng seryosong danyos sa
kanilang mga ulo. (BARecebido, PIA Sorsogon)
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
Participants were oriented on motorcycle safety tips (SPPO) |
Sorsogon PPO attends
Motorcycle Safety CaravanThe Sorsogon Police Provincial Office attended the
Motorcycle Safety Caravan on March 9, 2013 at about 8:00 o’clock in the morning
conducted by the Pink Tie Management Inc. In partnership with the Motorcycle
Development Participants Program Association Inc.(MDPPA) held at Sorsogon Multi
Purpose Gymnasium Capitol Compound, Sorsogon City. Personnel
of Sorsogon Police Provincial Office, Sorsogon Provincial Public Safety Company,
Sorsogon City Police Station, Motorcycle Organization and enthusiast of
Sorsogon City were among the participants in the activity. The
activity aimed to promote safety riding to all motorcycle enthusiasts Nationwide
as well as to promote current regulations set by the government on helmets
considering that almost everyone are using motorcycles either for their
professional or personal tasks. (PCInsp Nonito F. Marquez, PCR-PIO/PIA
Sorsogon).
No comments:
Post a Comment