Tuesday, March 19, 2013

Mga gumagamit ng motorsiklo tinuruan ng mga hakbang pangkaligtasan

Photo Courtesy: SPPO

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 19 (PIA) – Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga gumagamit ng motorsiklo para sa kanilang tansportasyon, minabuti ng Pink Tie Management (PTM), Inc. sa pakikipagtulungan sa Motorcycle Development Participants Program Association (MDPPA), Inc. na magsagawa ng Motorcycle safety Caravan kamakailan dito sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay PCInsp Nonito F, Marquez, isa sa mga dumalo sa nasabing caravan nais matiyak ng mga organizer ng aktibidad na maisulong ang ligtas na pagsakay sa motorsiklo ng mga motorista lalo na yaong mga kabataan hindi lamang dito sa lungsod kundi sa buong bansa.

Nais din umanong isulong ng PTM at MDPPA ang mga patakarang binuo ng pamahalaan sa paggamit ng helmet bilang isa sa mga mahahalaagang gamit pangkaligtasan ng mga nagmamaneho at sumasakay ng motorsiklo.

Maliban sa mga kapulisang nais matuto ng mga hakbang pangkaligtasang makakatulong hindi lamang sa kanilang mga personal na pangangailangan kundi maging sa uri ng kanilang trabaho, dumalo din ang mga motorcycle enthusiasts at kasapi ng motorcycle organization sa lungsod ng Sorsogon.

Positibo naman ang mga organizer na mas magiging maingat na ang mga gumagamit ng motorsiklo sa lungsod nang sa gayon ay higit na maiiwasan ang pagtaas pa ng bilang ng mga aksideteng sanhi ng pagiging iresponsableng tsuper.

Matatandaang noong huling kwarter ng 2012, 16 na mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang naitala ng Sorsogon Police Provicial Office, karamihan sa mga tsuper at sakay nito ay mga kabataang hindi gumamit ng helmet na kung hindi man namatay ay nagtamo naman ng seryosong danyos sa kanilang mga ulo. (BARecebido, PIA Sorsogon)

 --------------------------------------------------


Participants were oriented on motorcycle safety tips (SPPO)

Sorsogon PPO attends Motorcycle Safety CaravanThe Sorsogon Police Provincial Office attended the Motorcycle Safety Caravan on March 9, 2013 at about 8:00 o’clock in the morning conducted by the Pink Tie Management Inc. In partnership with the Motorcycle Development Participants Program Association Inc.(MDPPA) held at Sorsogon Multi Purpose Gymnasium Capitol Compound, Sorsogon City. Personnel of Sorsogon Police Provincial Office, Sorsogon Provincial Public Safety Company, Sorsogon City Police Station, Motorcycle Organization and enthusiast of Sorsogon City were among the participants in the activity. The activity aimed to promote safety riding to all motorcycle enthusiasts Nationwide as well as to promote current regulations set by the government on helmets considering that almost everyone are using motorcycles either for their professional or personal tasks. (PCInsp Nonito F. Marquez, PCR-PIO/PIA Sorsogon).

No comments: