Ni: FBTumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22 (PIA) –
Malaki ang ibinaba ng kriminalidad sa probinsya ng Sorsogon ayon sa istatistika
ng Sorsogon Police Provincial Office -Provincial Investigation and Detective
Management Branch (PIDMB) sa pamumuno ni PSI Armando Lopez.
Ayon sa record ng PIDMB, mula Enero 1
hanggang Disyembre 31, 2012 ang bilang
ng krimen ng Index Crime (CI) at Non-Index Crime (NIC) na naitala sa Sorsogon
ay umabot ng 572 insidente o 34 na porsyento, mas mababa kung ikukumpara noong nagdaang 2011 na umabot ng 871.
Sa dalawang klase ng krimeng klinasipika ng
SPPO na Index at Non-Index Crime, 320 kaso o 55.94 na posyento nito ay CI
habang 252 na kaso o 44.05 na porsyento ay NIC.
Ang Index Crime ay kinabibilangan ng
paglabag sa penal code na may kaugnayan sa ekonomiyang pang sosyudad.
Ang Non-Index Crime naman ay malimit na walang sangkot na biktima
katulad halimbawa kung malalagay sa panganib ang seguridad ng ating bansa,
paglikha ng kaguluhan sa gitna ng katahimikan, krimen laban sa moralidad at
paglabag sa espesyal na mga batas.
Kung ikukumpara aniya sa datos ng nagdaang
taon, 320 ang bilang ng index crime, 32
% ang ibinaba nito habang ang Non-Index
Crime naman ay 10 porsyento ang ibinawas mula 252 ngayong 2012
at 257 ng taon 2011.
Sa tala ng SPPO-PIDMB, ang Sta Magdalena
MPS ang may pinakamababang kaso ng krimen bilang na 6, sinusundan ng Irosin MPS
na may 73 kaso ng krimen at Sorsogon City
na may 128 na kaso sa taong 2012.
Sa 572 kabuuang krimen sa probinsya ng
Sorsogon, 315 na kaso ang nabigyan ng
kalinawan ng SPPO noong 2012 na may katumbas na
55 % cleared efficiency rating at
105 sa mga ito ang naresolba ang kaso o katumbas ng 18.36 percent Index Crime
Solution Efficiency. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment