Justice on Wheels Bus (blogspot) |
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22 (PIA) –
Nakalatag ang mahigpit na seguridad ng Sorsogon Provincial Command at City
Police Station sa paligid ng Kapitolyo Probinsyal at sa Bulwagan ng Katarungan
simula pa kaninang alas sais ng umaga.
Ito ay kaugnay ng pagdating sa probinsya ni
Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno at ilang mga kasamahan nito mula sa
tanggapan ng Supreme Court para sa isinasagawa nilang paglilibot sa buong bansa
sa iallaim ng kanilang Justice on Wheels Program.
Inaasahang
tutuloy ang grupo ni Chief Justice Sereno sa kapitolyo para sa isang
courtesy call kay Sorsogon Governor Raul R. Lee at pagkatapos ay tutuloy na sa
Bulwagan ng Katarungan upang makisalamuha sa mangagawa, abugado at mga piskal
ng Department of Justice (DOJ) Sorsogon.
Sa impormasyong nakalap ng PIA Sorsogon,
ngayong araw nakatakdang ilunsad sa Sorsogon ang “Justice on Wheels Increasing Access to the Poor Program” ng DOJ sa
ilalim ng temang “Our Courts are Driven
to Serve You Better” kung saan layunin nitong maipatupad ang hangarin ng
DOJ na matulungan ang mga bilanggo lalo na yaong mga hikahos sa buhay at mga
biktima ng hamon ng buhay sa pamamagitan ng pagrepaso sa mga kaso lalo na yaong
mga magagaan at matagal nang nakabinbin sa korte, mapabilis ang pagdinig ng mga
kasong ito at mabigyan ng agarang desisyon ng sa gayon ay hindi na ito
makadagdag pa sa malalaking mga kasong umaakyat sa Korte Suprema. Layunin din
ng programang ito na mabawasan din ang pagsisiksikan ng bilanggo sa mga piitan
sa bansa.
Labis namang ikinatuwa ng mga bilanggo dito
sa Sorsogon at ng mga kamag-anak nito ang paglulunsad ng Justice on Wheels sa
lalawigan at umaasa sila lalo na yaong nanainiwalang wala silang kasalanan na
maibibigay na rin sa kanila sa lalaong madaling panahon ang hustisyang matagal
na nilang hinihintay.
Sa kasalukuyan, mayroong anim na mga
Regional Trial Court sa buong lalawigan ng Sorsogon. (FBTumalad/BARecebido, PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment