Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 26 (PIA) – Apat na kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na
mapatunayang lumabag ito sa Comelec Resoulution No. 9561-A o pagdadala ng baril
nang walang pahintulot at inamit pang panakot sa panahong ipinatutupad ang gun
ban.
Sa ulat ng
Sorsogon Police Provincial Office, agad na rumisponde ang mga awtoridad matapos
na matanggap ang ulat na isang Jail Officer ng Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP) na nakabase sa Brgy Balogo, Sorsogon City Biyernes ang
tinutukan ng baril ng apat na suspetsado at isang menor de edad sa Brgy.
Penafrancia, lungsod ng Sorsogon matapos na tumanggi ang Jail Officer sa alok
ng mga ito na makipag-inuman sa kanila.
Kinilala ang
mga suspetsado na si Carlo Malazarte y Pacia- 32 taong gulang, may-asawa at
residente ng PNP Compound, Brgy Sampaloc, Sorsogon City; at ang tatlo pa na
sina Wilden Carilla y Jamila, 20 taong gulang; Eduardo Lasin y Laureta, 30
taong gulang; at isang magsasaka na si Jomamer Labayane y Quito, 29 taong
gulang, lahat binata at pawang residente ng Brgy Peñafrancia, Sorsogon City;
habang hindi na pinangalanan pa ang menor de edad.
Nakumpiska mula
sa mga ito ang isang Cal. 9mm Perabellum na may serial number 8481 at gawa sa Hungary; 11 bala at isang
magazine para sa Cal. 9mm Perabellum at isang Cal. 45 na Toy Gun Replica na may
tatak na Colt Double Eagle.orsogon kaugnay ng paglabag dito.
Samantala, patuloy
din ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na
batas nang sa gayon ay maiwasang maharap sa mabibigat na mga kaparusahan o
suliranin. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment